1017 Huling Pangako ng Diyos sa Sangkatauhan
I
Kapag nakakamit ng tao
ang tunay na buhay sa lupa,
lahat ng pwersa ni Satanas ay nakagapos.
Ang tao’y mabubuhay
nang may kagaanan sa mundo.
Mga pagkakumplikado ay hindi na makikita.
Pantao, panlipunan at pampamilyang samahan
maaaring mag-abala at mapuno ng sakit.
Ngunit kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at
ang kanyang isip ay mababago.
Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at isipan ay mababago.
Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
na gumagalang sa Diyos.
Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
II
Kapag ang mga nasa sansinukob na naghahangad
na mahalin ang Diyos ay nalupig na,
at kapag natalo na si Satanas
at ang madilim na pwersa ay nakagapos,
kung gayon ang buhay ng tao
sa mundo ay hindi magugulo.
Mabubuhay siyang malaya sa mundo,
na walang pagkakumplikado sa laman.
Ang tao ay magiging malaya
sa puwersa ni Satanas.
Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at isipan ay mababago.
Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
na gumagalang sa Diyos.
Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
III
Kung tinatrato mo ang iyong pamilya kapareho ng
mga kapatid sa iglesia,
di mo kailangang magkaroon
ng anumang alalahanin,
at ang iyong pagdurusa ay mahahati.
Tao’y mabubuhay sa isang normal na buhay,
bagaman tulad ng isang anghel ay tatayo siya.
At ito ang pangwakas na pangako
ipinagkaloob mula sa Diyos tungo sa tao.
Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at isipan ay mababago.
Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
na gumagalang sa Diyos.
Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan