1021 Ang Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan ay Hindi Maiisip ng Tao

1 Lahat ng Aking inihanda para sa inyo—iyan ay, ang bihira at napakahalagang mga kayamanan mula sa buong mundo—ay ibibigay lahat sa inyo. Ngayon, hindi ninyo aakalain ni maiisip na ang lahat ng ito, at wala pang sino man ang nakapagtamasa noon. Kapag dumating sa inyo ang mga pagpapalang ito, kayo ay liligaya nang walang-katapusan, nguni’t huwag kalilimutang ang lahat ng ito ay dahil sa Aking kapangyarihan, Aking pagkilos, Aking katuwiran at lalong higit pa, Aking kamahalan. (Magiging maawain Ako sa mga pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng awa, at magiging mahabagin Ako sa mga yaon na pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng habag.) Sa panahong iyon, wala kayong magiging mga magulang, at hindi na magkakaroon ng mga kadugong ugnayan. Kayong lahat ay mga taong Aking minamahal, minamahal Kong mga anak. Mula sa panahong iyon, walang mangangahas na apihin kayo. Ito’y magiging panahon para lumago kayo tungo sa hustong-gulang, at panahon para inyong pamunuan ang mga bansa gamit ang tungkod na bakal!

2 Sinong nangangahas na hadlangan ang minamahal Kong mga anak? Sinong nangangahas na lusubin sila? Igagalang ng lahat ang minamahal Kong mga anak, dahil ang Ama ay niluwalhati. Lahat ng bagay na kailanman ay walang sinumang makakaguni-guni ay lilitaw sa harap ng inyong mga mata. Ang mga iyon ay walang katapusan, hindi-nauubos, walang hanggan. Hindi magtatagal, tiyak na hindi n’yo na kailangang masunog ng araw at tiisin ang nagpapahirap na init, ni hindi na rin kayo magdurusa sa lamig o maramdaman ang dampi ng ulan, niyebe o hangin. Ito ay dahil mahal Ko kayo, at magiging ang kabuuan ng mundo ng Aking pag-ibig. Ibibigay Ko sa inyo ang lahat ng gusto ninyo, at ihahanda Ko para sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo. Sinong nangangahas na magsabing Ako ay hindi matuwid? Papatayin kita agad, dahil sinabi Ko na dati na ang Aking poot laban sa masasama ay tatagal tungo sa kawalang-hanggan. Gayunpaman, ang Aking pag-ibig para sa Aking minamahal na mga anak ay tatagal din nang walang-hanggan.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 84

Sinundan: 1020 Lahat ng mga Tao ng Diyos ay Naglalabas ng Kanilang mga Taos-Pusong Damdamin

Sumunod: 1022 Nabawi ng Sangkatauhan ang Kabanalang Dati Nilang Tinaglay

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger