130 Pagbibilang sa Biyaya ng Diyos
Ⅰ
Ang pagbilang ng biyaya ng Diyos ay nagpapaluha sa akin.
Sa likod ng saradong mga labi, hikbi sa aking lalamunan.
Nang ako’y nagutom, walang lakas,
binigyan Mo ako ng pinakamahusay na pagkain.
Nang nasaktan ako at nalulungkot,
siniraang-puri at inabandona ako,
pinahid ng Iyong kamay ang mga luha mula sa aking pisngi,
at Ikaw ang umaliw sa akin.
O Diyos, o Diyos, o Diyos, o Diyos!
Nang manginig ako dahil sa lamig,
o Diyos, o Diyos, o Diyos, o Diyos,
Ikaw nga ang talagang nagbigay init sa akin.
Kapag ang kahirapan ay totoong napakahirap para sa akin,
Iyong ipinagkaloob ang Iyong habag sa akin.
Ⅱ
Kapag ako ay nag-iisa at nawawala,
ang Iyong mga mahal na salita
ang nagpapaginhawa at umaaliw sa akin.
Nang ako’y ibinagsak ng mga karamdaman,
lunas ang ibinigay Mo at ipinakita sa akin.
Nang ako ay sadyang naging mapagmataas at mayabang,
ang Iyong kaparusahan ay hindi pinigilan.
Nang ako ay ipinahiya at ginawan ng masama,
ang Iyong halimbawa ang nagpasigla sa akin.
O Diyos, o Diyos, o Diyos, o Diyos!
Ako ay napasa-dilim at nawalan ng pag-asa,
o Diyos, o Diyos, o Diyos, o Diyos,
at ang Iyong mga salita ay nagbigay-liwanag sa akin.
Walang paraan para sa akin upang magpatuloy,
kaya inilawan Mo ang dulo ng daan.
Ⅲ
Nang ako ay nilamon ng dagat, Inabot Mo ako mula sa barko.
Nang ako ay nilusob ni Satanas,
pinalaya ako ng Iyong matalas na tabak
mula sa pagkakahawak niya.
Nagtagumpay ako sa tabi Mo, at Ikaw ay ngumiti din sa akin.
Maraming salita sa aking puso.
Mula sa ‘Yong kinaroroonan
ang aking puso’y hindi maaaring lumayo.
O Diyos, o Diyos, o Diyos, o Diyos!
Ang Iyong biyaya ay kasing-bigat ng mga bundok.
O Diyos, o Diyos, o Diyos, o Diyos!
Hindi maaaring bayaran ng aking buong buhay.
Ang Iyong biyaya ito ay napakalalim.
Upang ilarawan ito, hindi sapat ang tinta.