603 Tinatahak Mo ang Landas ni Pablo Kapag Hindi Mo Hinahangad ang Katotohanan
1 Nasa ganitong uri ng kalagayan ang karamihan ng mga tao ngayon: “Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos at magdusa para sa Kanya. Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong talikdan ang lahat para sa Diyos; dapat kong tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa akin, at tuparing mabuti ang aking tungkulin.” Pinangingibabawan ito ng layuning magtamo ng mga pagpapala, na isang halimbawa ng paggugol sa sarili sa kabuuan para sa layunin ng pagkakamit ng mga gantimpala mula sa Diyos at pagkakamit ng isang korona. Hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga puso ng ganoong mga tao, at tiyak na binubuo lamang ang kanilang pagkaunawa ng ilang salita ng doktrina na ipinangangalandakan nila saan man sila mapadako. Ang landas nila ay ang landas ni Pablo.
2 Ang pananampalataya ng ganoong mga tao ay isang kilos ng palagiang mabigat na gawain, at nararamdaman nila sa kaibuturan na kung higit silang gumagawa, higit na mapatutunayan ang kanilang katapatan sa Diyos, na kung higit na marami silang ginagawa, higit na tiyak na malulugod ang Diyos, at kung higit na marami silang ginagawa, higit silang magiging karapat-dapat na pagkalooban ng isang korona sa harap ng Diyos, at tiyak na tatanggap ng pinakadakilang mga pagpapala sa tahanan Niya. Iniisip nila na kung makakaya nilang tiisin ang pagdurusa, mangangaral, at mamamatay para kay Cristo, kung makakaya nilang ihandog ang mga sarili nilang buhay, at kung makakaya nilang makumpleto ang lahat ng mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, kung gayon ay mabibilang sila sa mga taong higit na pinagpala ng Diyos—yaong mga nagtatamo ng pinakadakilang mga pagpapala—at sa gayon ay tiyak na pagkakalooban ng mga korona.
3 Ito ay sa ilalim ng paggabay ng ganoong mga saloobin na isinagawa ni Pablo ang paglilingkod sa Diyos. Nagmula ang gayong mga saloobin at mga layunin sa isang makasatanas na kalikasan. Kapag may ganitong uri ng malasatanas na kalikasan ang mga tao, naroroon sa mundo, maghahangad silang magtamo ng karunungan, katayuan, pagkatuto, at upang mamukod sa madla; sa tahanan ng Diyos, hahangarin nilang gugulin ang kanilang mga sarili para sa Diyos, maging tapat, at pagkaraan ay magkamit ng korona at mga dakilang pagpapala. Kung, pagkaraang maging mga mananampalataya sa Diyos, hindi pa rin nag-aangkin ang mga tao ng katotohanan at hindi dumaan sa isang pagbabago ng kanilang disposisyon, kung gayon ay tiyak na mapupunta sila sa landas na ito. Ito ay isang realidad na hindi maitatatwa ng sinuman.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro