602 Ang Landas ng Matagumpay na Pananampalataya sa Diyos
1 Ang mga patutunguhan nina Pablo at Pedro ay nasukat ayon sa kung kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos, at hindi ayon sa laki ng kanilang ambag; ang kanilang mga patutunguhan ay natutukoy ayon doon sa kanilang hinangad sa simula pa lamang, hindi ayon sa kung gaano kalaking gawain ang kanilang ginawa, o sa pagtantiya ng ibang mga tao sa kanila. Kaya nga, ang paghahangad na aktibong gampanan ang tungkulin ng isang tao bilang isang nilalang ng Diyos ang landas tungo sa tagumpay; ang paghahangad sa landas ng tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakatamang landas; ang paghahangad sa mga pagbabago sa dating disposisyon ng isang tao, at paghahangad ng dalisay na pagmamahal sa Diyos, ang landas tungo sa tagumpay.
2 Ang landas na iyon tungo sa tagumpay ang landas ng pagbawi sa orihinal na tungkulin gayundin sa orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos. Ito ang landas ng pagbawi, at ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos mula simula hanggang katapusan. Kung ang paghahangad ng tao ay nababahiran ng personal na maluluhong paghiling at hindi makatwirang mga pag-asam, ang epektong natatamo ay hindi ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao. Salungat ito sa gawain ng pagbawi. Walang duda na hindi ito ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu, kaya nga nagpapatunay ito na ang ganitong klaseng paghahangad ay hindi sinang-ayunan ng Diyos. Ano ang kabuluhan ng isang paghahangad na hindi sinang-ayunan ng Diyos?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao