Tanong 1: Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan.” Naalala ko ang minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). Alam na nating ang Panginoong Jesus ang pinagmumulan ng tubig na buhay, at ang daan ng walang hanggang buhay. Posible kayang ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay ang parehong pinagmumulan? Ang kanilang gawain at mga salita ba ay parehong sa Banal na Espiritu? Ang kanilang gawain ba’y sa iisang Diyos?

Sagot: Sa gawain ng dalawang katawang-tao ng Diyos, pinatotohanan nila na Sila ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at ang daan ng walang hanggang buhay. Nagpapahayag sila ng maraming katotohanan, at gumagawa ng yugto ng praktikal na gawain para patunayan na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sapat ’yan para patunayan na pareho ang pinagmulan Nila. Pareho Nilang binibigkas ang tinig ng Banal na Espiritu. Ginagawa nila ang gawain ng parehong Diyos, at kapwa nagpapatotoo na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng uri ng buhay, dahil ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang walang hanggang bukal ng mga tubig na buhay, na ilog ng buhay na dumadaloy mula sa Kanyang trono, at ang daan ng walang hanggang buhay. Lalo nitong pinatutunayan na ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus, at pareho Silang Diyos na gumagawa ng gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin?(Juan 14:10). “Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). Pinatutunayan nito na ang Panginoong Jesus ang pagpapakita ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus na muli Siyang darating, at magkakatawang-tao Siya bilang ang Anak ng tao para gawin ang gawaing paghatol sa mga huling araw. Basahin natin ang isang talata mula sa Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kami ni Jesus ay nagmumula sa iisang Espiritu. Bagama’t wala Kaming kaugnayan sa Aming katawang-tao, iisa ang Aming Espiritu; bagama’t ang nilalaman ng Aming ginagawa at ang gawaing Aming ginagawa ay hindi magkapareho, magkatulad Kami sa diwa; ang Aming katawang-tao ay magkaiba ang anyo, ngunit dahil ito sa pagbabago sa kapanahunan at sa magkakaibang mga kinakailangan ng Aming gawain; hindi magkapareho ang Aming ministeryo, kaya magkaiba rin ang gawaing hatid Namin at ang disposisyong inihahayag Namin sa tao. … Magkagayunman ay iisa ang Kanilang Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao).

Bagama’t magkaiba ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman, ang diwa ng mga katawang-tao, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; kaya lamang ay umiiral Sila para isagawa ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ano’t anuman, iisa ang diwa at pinagmulan ng mga nagkatawang-taong laman ng Diyos—ito ay isang katotohanan na walang sinumang makapagkakaila(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay parehong katawang-tao na isinusuot ng Espiritu ng Diyos. Nagkakaiba lang Sila dahil gumagawa Sila ng magkaibang gawain sa magkaibang panahon, at gumagamit ng mga magkakaibang pangalan, pero iisang Diyos Sila. Ngayon alam na natin na sa parehong pagkakataong nagkatawang-tao ang Diyos nagpapatotoo Siya na Siya ang pinagmumulan ng tubig ng buhay, at may walang hanggang panustos ng tubig ng buhay. Nagpapatotoo rin Siya na ang Diyos Mismo ang daan ng walang hanggang buhay. Bagama’t bahagyang magkaiba ang Kanilang mga salita at pananalita, pareho ang diwa ng sinasabi Nila. Ano ang daan ng walang hanggang buhay? Paano nagkakaugnay ang daan ng walang hanggang buhay at ang pagpasok sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus na tanging sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit. Ang mga sumusunod talaga sa kalooban ng Diyos ay ang mga kayang magsagawa ng mga salita ng Diyos at sumunod sa mga utos ng Diyos. Itinuro ng Panginoong Jesus na dapat nating mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at isipan, at mahalin ang mga ibang tao tulad ng pagmamahal natin sa mga sarili natin. Naisagawa na ba natin ang mga salitang iyon ngayon? Kung hindi pa natin naisasagawa ang mga salitang iyon, hindi natin ginagawa ang kalooban ng Diyos. Kung hindi natin maisagawa ang mga salita ng Diyos, at sundin ang mga utos ng Diyos, paano pa natin makakamit ang daan ng walang hanggang buhay? Hindi kailanman! Ang pagkamit ng daan ng walang hanggang buhay ay nangangahulugang pagkamit sa buong katotohanang ipinahayag ng Diyos para dalisayin at iligtas ang tao, at sa wakas ay maging mga nakakikilala sa Diyos at sumusunod sa kalooban ng Diyos. Kung naniniwala tayo sa Diyos pero hindi nakakamit ang katotohanan, hindi binabago ang disposisyon natin sa buhay, at hindi sinusunod ang kalooban ng Diyos, makakapasok ba tayo sa kaharian ng langit? Makakamit ba ng mga hindi makakapasok sa kaharian ng langit ang walang hanggang buhay? Kaya walang paraan ang mga hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos para makamit ang daan ng walang hanggang buhay. Sinasabi rin sa Biblia: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: nguni’t ang hindi nananalig sa Anak ay hindi makakakita ng buhay(Juan 3:36). Ang paniniwala sa Anak ay paniniwala sa Kanya na ipinadala ng Diyos, at paniniwala sa Cristong nagkatawang-tao. Ang Panginoong Jesucristo ang Anak ng tao. Nagbalik siya sa langit nang matapos ang gawaing pagtubos. Nangako sa atin ang Panginoong Jesus na babalik Siyang muli, kaya mahalaga ang pagtanggap sa nagbalik na Cristo sa mga huling araw. Makakamit ng sinumang tatanggap sa pagbabalik ni Cristo sa mga huling araw ang daan ng walang hanggang buhay. Kung maniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at hindi tatanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus, pinuputol natin ang ating relasyon sa pinagmumulan ng tubig na buhay! Kikilalanin pa ba tayo ng Panginoong Jesus? Makakamit pa ba natin ang walang hanggang buhay? Habang naniniwala sa Panginoon, kailangan din nating tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus, na siyang totoong “paniniwala sa Anak.” Tanging ang mga sumusunod kay Cristo ng mga huling araw ang magkakamit ng walang hanggang buhay. Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at tinatanggihan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, pagsasayang lang ng oras ang paniniwala natin, inabandona sa kalagitnaan, at hindi na natin kailanman makakamit ang pag-apruba ng Panginoong Jesus.

Dahil ang ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang gawaing pagtubos. Mga katotohanan lang ang ipinahahayag Niya tungkol sa pagtubos sa tao, na makakatulong sa mga taong mangumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan at bumalik sa Diyos. Pero dahil nananatili ang makasalanang kalikasan at masamang disposisyon ng tao, kahit na napatawad na ang mga kasalanan nila, madalas pa rin silang nagkakasala at nagrerebelde at tumututol sa Diyos, katotohanan ito. Ito ang katibayan na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay gawaing pagtubos. Tanging ang gawaing paghatol na isinagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw ang ganap na makapagliligtas sa sangkatauhan, nagpapahintulot sa sangkatauhang makawala sa kasalanan at sa impluwensiya ni Satanas, makamit ang pagbabago sa disposisyon, at makamit ng Diyos. Kaya ang gawaing paghatol na isinasagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw ay mahalaga sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kung tatanggapin lang natin ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, at gusto nating pumasok sa kaharian ng langit nang hindi tinatanggap ang gawaing paghatol sa mga huling araw ng nagbalik na Panginoong Jesus, nangangarap lang tayo. Sa katunayan, sinabi noon ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Sa panahong iyon, walang nakaintindi sa mga salita ng Panginoong Jesus, dahil kakaharap lang ng sangkatauhan sa Diyos, at mababa pa ang katayuan. Kung ipinahayag ng Panginoong Jesus ang mga salita ng mga huling araw ng paghatol, hindi ito makakayanan ng tao. Kinailangan nilang hintayin ang pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang kumpletong katotohanan na nagdadalisay, nagliligtas, at nagpeperpekto sa tao. Kapag nakikita natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagigising tayong bigla, naiintindihan sa wakas ang kalooban ng Diyos. Bakit hindi direktang ginawa ng Diyos ang gawaing paghatol ng mga huling araw sa Kapanahunan ng Biyaya? Dahil may tatlong yugto ang gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ginagawa ng Diyos ang gawaing paghatol sa mga huling araw, tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Nagbigay-daan ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus para sa gawaing paghatol at pagdadalisay sa tao sa mga huling araw. Ang katotohanang nagliligtas, nagpapabago, at nagpeperpekto sa tao ay maipapahayag nang kumpleto sa pamamagitan ng nagbalik na Panginoong Jesus. Ang katotohanang ito ang daan ng walang hanggang buhay na ipinagkaloob sa tao ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kaya kung gusto nating matanggap ang daan ng walang hanggang buhay, kailangan nating tanggapin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “… sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na(Pahayag 19:7). “Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero(Pahayag 19:9). Matatalinong dalaga ang mga tumatanggap sa pangalawang pagbabalik ni Cristo. Matapos marinig ang tinig ng Diyos, pumupunta sila sa Cordero para magpiging. Pinagpala ang mga taong ganito, at sinunod nila ang mga yapak ng Cordero. Sila ang mga unang bungang dinalisay ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at mga mananagumpay na ginawa ng Diyos. Kaya tanging ang mga tumatanggap sa pangalawang pagdating ni Cristo ang magkakamit sa daan ng walang hanggang buhay.

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Sinundan: Tanong 5: Inisip ko dati na ang mga araw ng CCP ay bilang na at malapit nang bumagsak, kaya hindi ba makakatulong nang malaki kung hinintay ko ang kanyang pagbagsak bago ako naniwala? Pero ngayon nakikita ko na ang layunin ng CCP na pahirapan at arestuhin tayo ay upang tayo ay maipadala sa impiyerno! Kung hintayin natin na mamatay ang CCP bago tayo manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, matatanggap pa kaya natin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw at makakapasok sa kaharian ng Diyos? Mapapalampas kaya natin ang ating pagkakataon na mailigtas?

Sumunod: Tanong 2: Ang Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos, pero gumagawa ng magkaibang gawain sa magkaibang mga panahon. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, at ipinangaral ang daan ng pagsisisi. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawaing paghatol at pagdadalisay sa sangkatauhan, at dinadala sila sa daan ng walang hanggang buhay. May isa pa akong tanong, ano ang pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito