199 Sa Paggising Ko sa Pagkalito

1 Nakikita kong ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ginawang bago ng Diyos ang langit at lupa, na dahilan ng pagwawakas ng anim na milenya ng paghihirap at pagkabalisa. Ipinapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan, na naghahatid ng liwanag sa sangkatauhan. Ang Kanyang gawain, na ginawa upang maperpekto ang mga tao, ay minsan lang mangyayari sa buhay; Napakapalad ko. Ang Kanyang mga salita ay nagbubunyag, humahatol, kumakastigo, at naglalantad sa tiwaling disposisyon ng tao. Ngayon ko lang naunawaan na nawalan ng konsiyensiya ang mga tao dahil sa katiwalian ni Satanas. Sila ay nagbabanal-banalan, paimbabaw na nagsasalita tungkol sa moralidad, samantalang ang totoo ay matagal nang nawala sa kanila ang kanilang pagkatao; pinagpaplanuhan at kinakalaban ang bawat isa para sa katanyagan at pakinabang, namumuhay sila sa kasalanan.

2 Ang puso ng tao ay masyadong nakaririmarim at tiwali para pagmasdan. Kusang tinitiwali at dinudumihan ang kanilang sarili, wala talagang pagmamahal sa sarili ang mga tao. Saan nila mahahanap ang kanilang huling hibla ng integridad at dignidad? Ang puso ng tao’y masyadong baluktot at mapanlinlang, at ang mga tao’y hindi marapat na lumapit sa harap ng Diyos. Nabahala, at may pangamba at pighati, isinusuko ko ang buong pagkatao ko sa Kanya. Napapabuntong-hininga ako; sa kabila ng mga taong pananampalataya sa Diyos, ngayon ko lang nalaman kung gaano kahirap ang maging tao. Masyado akong nagawang tiwali, at hindi maililigtas nang hindi nahahatulan at nalilinis. Nagising ako sa pagkalito, masyadong nahihiyang tingnan ang mukha ng Diyos. Sa pagdanas ng Kanyang paghatol, bigla kong nalalaman kung paano kumilos. Hindi madaling dumating ang katotohanan at ang buhay; lahat ay dahil sa kabaitan ng Diyos. Ang pagkaalam ng Kanyang pagiging kaibig-ibig ay lalo pang pumukaw sa aking pagmamahal sa Kanya. Nawa’y dumanas ako ng pagpipino at malinis upang tunay kong mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Sinundan: 198 Unawain ang Katotohanan at Maging Malaya

Sumunod: 200 Ang Salita ng Diyos ang Liwanag

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito