630 Ang Katotohanan Tungkol sa Gawain ng Pamamahala ng Diyos sa mga Tao
Dapat mong malaman na’ng pagperpekto,
pagkumpleto’t pagkamit ng Diyos sa mga tao,
dala’y espada’t paghampas lang
sa mga laman nila’t
walang katapusang kirot,
pagsusunog, paghatol,
pagkastigo’t mga sumpa,
at walang-hanggang pagsubok.
Ito’ng katotohanan ng gawain ng Diyos
sa pamamahala sa tao.
I
Ngunit lahat ito’y nakatuon sa laman ng tao,
para sa kaluwalhatian at patotoo ng Diyos,
at sa pamamahala Niya.
Ito’y dahil gawain ng Diyos ay
‘di lang alang-alang sa tao,
kundi para din sa buong plano’t
para tuparin ang kalooban ng Diyos
nung nilikha Niya’ng tao.
Kaya, karamihan sa nararanasan ng tao’y
may pagdurusa’t mga pagsubok ng apoy.
Kaya tao’y walang matatamis na sandali
na siyang nais ng laman,
lalo na ng masasayang sandali
sa laman kasama’ng Diyos.
Dapat mong malaman na’ng pagperpekto,
pagkumpleto’t pagkamit ng Diyos sa mga tao,
dala’y espada’t paghampas lang
sa mga laman nila’t
walang katapusang kirot,
pagsusunog, paghatol,
pagkastigo’t mga sumpa,
at walang-hanggang pagsubok.
Ito’ng katotohanan ng gawain ng Diyos
sa pamamahala sa tao.
II
Ang laman ay marumi,
kaya nakikita lang ng mga tao’y ang
pagkastigo ng Diyos.
Ito’y dahil ihahayag ng Diyos ang
matuwid Niyang disposisyon,
na walang pagsasaalang-alang
sa kalooban ng tao,
‘di kinukunsinti’ng pagkakasala’t
kinasusuklaman ang mga kaaway Niya.
Dapat mong malaman na’ng pagperpekto,
pagkumpleto’t pagkamit ng Diyos sa mga tao,
dala’y espada’t paghampas lang
sa mga laman nila’t
walang katapusang kirot,
pagsusunog, paghatol,
pagkastigo’t mga sumpa,
at walang-hanggang pagsubok.
Ito’ng katotohanan ng gawain ng Diyos
sa pamamahala sa tao.
Inihahayag ng Diyos ang disposisyon Niya
sa anumang paraang nararapat,
sa gayo’y tinatapos ang gawain ng
anim na libong taong digmaan Niya kay Satanas.
Ito’ng gawain ng pagliligtas sa tao
at pagwasak kay Satanas.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan