629 Natalikuran Na Ba Ninyo ang Inyong mga Relihiyosong Kuru-kuro?

1 Sa kasalukuyan, maraming tao ang naniniwala sa paraang lito. Labis ang inyong kuryosidad, labis ang pagnanasa sa mga pagpapala, at napakaliit ang mithiing hanapin ang buhay. Paimbabaw lang kayong sumusunod sa Diyos, ni hindi man lang ninyo hinahanap ang tunay na daan at hindi ninyo intensiyong magkamit ng buhay. Ang saloobin ninyo ay ang kagustuhan lang na makita kung anong mangyayari. Dahil hindi pa ninyo nabibitiwan ang marami sa inyong mga dating kuru-kuro, walang sinuman sa inyo ang nagawang mag-alay nang lubos ng inyong sarili. Nang makarating na sa puntong ito, patuloy pa rin kayong nag-aalala sa inyong sariling kapalaran, isip nang isip araw at gabi, hindi iyon mapakawalan.

2 Akala mo ba, kapag binabanggit Ko ang mga Fariseo, ang “matatandang lalaki” sa relihiyon ang tinutukoy Ko? Hindi ba kayo mismo ay mga kinatawan ng pinakaprogresibong mga Fariseo ng kasalukuyang kapanahunan? Akala mo ba kapag binabanggit Ko ang mga taong nagkukumpara sa Akin sa Biblia, ang tinutukoy Ko lang ay yaong mga eksperto sa Biblia sa mga relihiyosong grupo? Naniniwala ka ba na kapag binabanggit Ko yaong mga muling nagpapako sa Diyos sa krus, ang mga pinuno ng mga relihiyosong grupo ang tinutukoy Ko? Hindi ba kayo ang pinakamagagaling na artista para gumanap sa papel na ito? Akala mo ba lahat ng salitang Aking ipinapahayag upang salungatin ang mga kuru-kuro ng mga tao ay panunuya lamang sa mga pastor at matatanda sa relihiyon? Hindi ba nakibahagi rin kayo sa lahat ng bagay na ito?

3 Kumbinsido ka ba na kakaunti lang ang inyong mga kuru-kuro? Natuto na lang kayong lahat na maging napakatalino ngayon. Hindi ninyo pinag-uusapan ang mga bagay na hindi ninyo nauunawaan o ipinapakita ang inyong mga damdamin tungkol sa mga iyon, ngunit wala talaga sa loob ninyo ang pusong may paggalang at pagpapasakop. Sa palagay ninyo, ang pag-aaral, pagmamasid, at paghihintay ang pinakamabuti ninyong paraan ng pagsasagawa sa ngayon. Natuto na kayong maging napakatalino. Ngunit napapagtanto ba ninyo na isa itong uri ng tusong sikolohiya? Akala ba ninyo na ang sandali ninyong katalinuhan ay makatutulong sa inyong makatakas sa walang-hanggang pagkastigo?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangan Ninyong Maunawaan ang Gawain—Huwag Kayong Sumunod Nang May Pagkalito!

Sinundan: 628 Talikuran ang mga Panrelihiyong Kuru-kuro para Magawang Perpekto ng Diyos

Sumunod: 630 Ang Katotohanan Tungkol sa Gawain ng Pamamahala ng Diyos sa mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito