787 Nauunawaan Mo Ba Talaga ang Diyos?
1 Nangangahas ka bang sabihin na kilala mo ang Diyos? Nakitungo ka na ba sa Diyos? Nakasama mo na ba Siya? Alam mo ba ang Kanyang disposisyon? Alam mo ba kung ano ang Kanyang gusto? Alam mo ba ang mga bagay na ginagawa mo na nakasasakit sa Kanyang disposisyon? Alam mo ba ang iyong mga katiwalian na Kanyang inaayawan? Alam mo ba kung kanino Niya inihahayag ang Kanyang matuwid na disposisyon? Alam mo ba aling mga tao ang Kanyang kinamumuhian? Alam mo ba kung aling mga suliranin mo ang Kanyang kinamumuhian nang lubos? Kung hindi mo alam ang mga sagot sa mga tanong na iyan, ipinapakita nito na wala ka talagang pagkaunawa tungkol sa Diyos.
2 Inaangkin mong nakikita mo na ang Diyos, ngunit hindi mo nauunawaan ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang Kanyang disposisyon. Ni hindi mo rin nauunawaan ang Kanyang katuwiran, ni ang Kanyang pagka-mahabagin, ni hindi mo alam kung ano ang gusto o kinamumuhian Niya. Hindi ito pagkakilala sa Diyos. Kung kilala mo ang Diyos, nauunawaan Siya at kayang maintindihan ang ilan sa Kanyang kalooban, kung gayon talagang makakapaniwala ka sa Kanya, talagang nagpapasakop sa Kanya, talagang minamahal Siya, at talagang sinasamba Siya.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi