786 Nakikilala ng Tao ang Diyos sa Pamamagitan ng Pagdanas sa Kanyang Salita
1 Ang mga pag-aari at katauhan ng Diyos, ang diwa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos—lahat ay naipaalam sa Kanyang mga salita sa sangkatauhan. Kapag naranasan niya ang mga salita ng Diyos, habang ang tao ay nasa proseso ng pagsasagawa ng mga ito, mauunawaan nila ang layunin sa likod ng mga salitang sinasambit ng Diyos, at mauunawaan ang pinagmumulan at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at mauunawaan at mapapahalagahan ang epektong layon ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, lahat ng ito ay mga bagay na kailangang maranasan, maintindihan, at matamo ng tao upang makamit ang katotohanan at buhay, maintindihan ang mga layon ng Diyos, mabago ang kanyang disposisyon, at magawang sundin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kasabay ng pagdanas, pag-intindi, at pagtatamo ng tao ng mga bagay na ito, unti-unti siyang magkakaroon ng pag-unawa sa Diyos, at sa panahong ito ay magtatamo rin siya ng iba’t ibang antas ng kaalaman tungkol sa Kanya.
2 Ang prosesong ito—ng pagkamit ng tunay na pagkaunawa at kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga, pagdanas, pagdama, at pagpapatibay sa Kanyang mga salita—ay walang iba kundi ang tunay na pagniniig sa pagitan ng tao at ng Diyos. Sa gitna ng ganitong klaseng pagniig, tunay na nauunawaan at naiintindihan ng tao ang mga layon ng Diyos, tunay na nauunawaan at nalalaman ang mga pag-aari at katauhan ng Diyos, tunay na nauunawaan at nalalaman ang diwa ng Diyos, unti-unting nauunawaan at nalalaman ang disposisyon ng Diyos, nararating ang tunay na katiyakan, at tamang pakahulugan, sa katunayan ng kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng nilikha, at nagkakamit ng tunay na kaugnayan at kaalaman tungkol sa identidad at posisyon ng Diyos. Madaragdagan ang pagmamalasakit at pagsunod ng tao sa Diyos, at magiging mas tunay at malalim ang pagpipitagan niya sa Diyos.
3 Sa gitna ng gayong pagniniig, hindi lamang makakamit ng tao ang pagtustos ng katotohanan at ang pagbabago ng buhay, kundi kasabay nito ay magkakamit din siya ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa gitna ng gayong pagniniig, hindi lamang mababago ng tao ang kanyang disposisyon at matatanggap ang kaligtasan, kundi kasabay nito ay magkakaroon din siya ng tunay na pagpipitagan at pagsamba ng isang nilikha sa Diyos. Sa ganitong klaseng pagniniig lamang lalago ang buhay ng tao tungo sa pagyabong araw-araw, at ngayon lamang unti-unting mababago ang kanyang disposisyon, at ang kanyang pananampalataya sa Diyos, mula sa pagiging malabo at walang-katiyakang paniniwala, ay unti-unting magiging tunay na pagpipitagan, at ang tao, sa proseso ng pagsunod sa Diyos, ay unti-unti ring susulong mula sa pagiging walang-kibo tungo sa pagiging aktibo, mula sa pagiging negatibo tungo sa pagiging positibo; sa ganitong klaseng pagniniig lamang makakarating ang tao sa tunay na pagkaunawa at pagkaintindi sa Diyos, sa tunay na kaalaman tungkol sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita