526 Sa Katotohanan Naroon ang Lakas
1 Dapat ninyong maunawaan ang kabuluhan ng inyong pagsuko sa inyong mga pamilya at paggugol ng inyong mga sarili sa Diyos, ganoon din kung bakit ninyo nais gawin ito. Kung ito’y upang habulin ang katotohahanan, upang habulin ang buhay at upang tuparin ang inyong mga tungkulin at gantihan ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon iyan ay ganap na matuwid—isang positibong bagay—at ito ang batas ng Langit at prinsipyo ng daigdig. Sa ganitong kalagayan, hindi kayo kailanman magkakaroon ng panghihinayang, at hindi kayo magiging negatibo. Kapag may katotohanan ang mga tao, mayroon silang kalakasan. Kapag may katotohanan sila, puspos sila ng di-nauubos na lakas. Kapag may katotohanan sila, mayroon silang kalooban. Kung walang katotohanan, tulad sila ng malalambot na latak ng tokwa. Kung may katotohanan, sila ay matatag at malakas-ang-loob, at hindi nila nararamdaman ang kanilang pagdurusa bilang pagdurusa, gaano man ang kanilang tinitiis.
2 Kung may tunay na pagkaunawa ang mga tao sa disposisyon ng Diyos, at nakapagbibigay ng taos-pusong papuri sa Kanyang kabanalan at katuwiran, nangangahulugan ito na tunay nga silang kumikilala sa Kanya at nagtataglay ng katotohanan; saka lamang sila mabubuhay sa liwanag. Kapag nagbago na ang pananaw ng isang tao sa mundo at sa buhay, saka lamang siya magkakaroon ng malaking pagbabago. Kapag ang isang tao ay may layunin sa buhay at kumikilos ayon sa katotohanan, kapag ganap siyang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag siya at natatanglawan hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, kapag walang kadiliman sa kanyang puso, at kapag siya ay nakapamumuhay nang lubos na malaya at hindi napipigilan sa presensya ng Diyos, saka lamang siya makapamumuhay ng isang tunay na buhay ng tao, at saka lamang siya magiging isang taong nagtataglay ng katotohanan. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang taglay mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang Naghahari sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay—ang Kataas-taasang Diyos—ay sinasang-ayunan ka bilang isang tunay na tao. Ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao