169 Mga Pagsubok sa Bilangguan

1 Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, inaresto at pinahirapan ako ng CCP upang makakuha ng pag-amin. Malalamig na tanikala sa aking mga kamay, ibinitin nila ako. Habang bumabaon ang mga bakal na posas sa aking mga pulsuhan, bumulwak ang pulang dugo; mahirap tiisin ang sakit. Nasa matinding paghihirap ang buo kong katawan mula sa paulit-ulit na pagkuryente, halos mawalan na ako ng buhay. Isa lamang ang pakay ng hindi makataong pagmamalupit ng masasamang pulis: ang pilitin akong maging isang Judas at ipagkanulo ang Diyos. Paulit-ulit, hiniyawan nila ako ng mga kalapastanganan, binugbog ako, at pinagtutusok ng mga karayom sa dulo ng aking mga daliri. Paulit-ulit, tinurukan nila ako ng mga gamot upang lituhin ako at sairin ang natitirang hibla ng aking determinasyon. Pagod na pagod, dahan-dahang lumabo ang aking isip; natakot ako na hindi ko ito matitiis. Hindi ko na kaya ang pagpapahirap mula sa masasamang pulis, at hiniling na lamang na mamatay at takasan ang sakit.

2 Sa gitna ng kalituhan, umalingawngaw ang mga salita ng Diyos sa aking mga tainga, na muling nagpaapoy sa aking espiritu. Ang sabi ng Diyos, “Maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos.” Sa pagnanais na tumakas mula sa pagsubok na ito sa gitna ng pagpapahirap sa aking laman, naging katatawanan ako ni Satanas. Hindi pa nababayaran ang pag-ibig ng Diyos—paanong basta na lamang akong susuko? Gagawing perpekto ng pagdating ng mga pagsubok ang aking pananampalataya; pinagpala akong magdusa upang makamit ang katotohanan. Nang walang tunay na pananampalataya sa Diyos, nanatili akong isang taksil na duwag. Nasaktan man ang aking laman, kasama ko naman ang Diyos; naunawaan ko ang kalooban ng Diyos at nahanap ng aking espiritu ang kalakasan nito. Aalalahanin ko ang katapangan ng mga tao ng Diyos at magpapatotoo sa Diyos, na magdadala ng kahihiyan sa diyablong si Satanas. Pananatilihin ko ang ganap na katapatan at pagsunod sa Diyos; nasa mga kamay ng Diyos kung ako man ay mabuhay o mamatay.

3 Sa pagdanas ng pag-uusig, nakita ko ang kasamaan ng CCP; ito ang sagisag ni Satanas. Sa lubos nitong pagkasuklam sa Diyos at sa katotohanan, mapusok nitong tinatangkang tugisin si Cristo hanggang kamatayan. Ginagamit nito ang bawat paraan upang matugis at mausig ang mga Kristiyano, tinatrato tayo nang may sukdulang kalupitan. Ginabayan ako ng mga salita ng Diyos sa bawat hakbang; salamat lamang sa Kanyang mga salita kaya matatag akong nakakatayo. Ang aking pagkarimarim sa kawalang karangalan at kawalanghiyaan ni Satanas ang nagbibigay inspirasyon sa aking ibigin ang Diyos at maging tapat. Ang Diyos lamang ang katotohanan at buhay, Siya lamang ang makapagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas. Napakarunong ng Diyos: ginagamit Niya si Satanas sa Kanyang pagseserbisyo upang gumawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay. Namasdan ko na ang mga taimtim na layunin ng Diyos, at naramdaman ang pagmamahal at pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Kahit na gugulin ko ang aking natitirang buhay sa bilangguan, hindi ako susuko. Ipinapangako ko ang aking buhay na susunod sa Diyos hanggang sa pinakawakas!

Sinundan: 168 Isang Pasyang Walang Pagsisisi

Sumunod: 170 Patotoo ng Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito