168 Isang Pasyang Walang Pagsisisi

1 Kapag lalong nagiging mabagsik ang pag-aresto at pag-uusig ni Satanas sa mga Kristiyano, kapag puno ng madilim na katatakutan ang lungsod, at tumatakas ako saan man pwede, kapag nakakulong ang kalayaan sa isang mapanglaw na piitan, kapag ang tangi kong kapiling ay isang mahabang gabi ng pasakit, hindi matitinag ang aking pananampalataya sa Diyos, hinding-hindi ko pagtataksilan ang aking Panginoon, ang aking Diyos. Makapangyarihang Diyos na tunay, Iyo ang puso ko. Makokontrol lang ng pagkakakulong ang aking katawan. Hindi nito mapipigil ang mga yapak ko sa pagsunod sa Iyo. Isang masakit, matigas, baku-bakong daan, kasama ang Iyong mga salita upang gabayan ako, wala akong takot, kasama ang Iyong pag-ibig, busog ang puso ko.

2 Kapag mas tumitindi ang nakapipinsalang pahirap ng mga satanikong diyablo, kapag paulit-ulit kong nararamdaman ang nakapapasong sakit, kapag aabot na sa sukdulan nito ang paghihirap ng aking laman, sa huling sandali, kapag malapit na akong bawian ng buhay, hinding-hindi ako susuko sa malaking pulang dragon, hinding-hindi ako magiging isang Judas, isang tanda ng kahihiyan sa Diyos. Makapangyarihang Diyos na tunay, magiging tapat ako sa Iyo hanggang kamatayan. Mapapahirapan at masasaktan lamang ni Satanas ang aking katawan, nguni’t hindi nito magagalaw ang pananampalataya’t pagmamahal ko sa Iyo. Buhay at kamatayan ay mapapailalim sa Iyong kapamahalaan magpakailanman. Para sumaksi sa Iyo, lahat ay aking tatalikdan. Para sumaksi sa Iyo at ipahiya si Satanas, mamamatay ako nang walang reklamo. Anong karangalan na sundan si Cristo at hangaring mahalin ang Diyos sa buhay! Nang may puso at kaluluwa, dapat kong suklian ang pagmamahal ng Diyos; handa akong talikdan ang lahat para magpatotoo tungkol sa Diyos. Hangga’t buhay ako, ang pagbibigay ng aking buong pagkatao sa Diyos ay isang pasyang hinding-hindi ko pagsisisihan.

Sinundan: 167 Sa Pag-ibig ng Diyos, Wala Akong Kinatatakutan

Sumunod: 169 Mga Pagsubok sa Bilangguan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito