170 Patotoo ng Buhay
Ⅰ
Balang araw maaari akong mahuli
dahil sa pagpapatotoo sa Diyos,
alam ko sa puso ko na ang pagdurusang ito’y
alang-alang sa katuwiran.
Kung mamatay ako sa isang kisapmata,
ipagmamalaki ko pa rin na kaya kong sundan si Cristo
at patotohanan Siya sa buhay na ito.
Kung hindi ako mabubuhay para makita
ang paglawak ng ebanghelyo ng kaharian,
mag-aalay pa rin ako ng magagandang hangarin.
Kung hindi ko makikita ang araw
na magkakatotoo ang kaharian
ngunit kaya kong pahiyain si Satanas ngayon,
sa gayon puso ko’y mapupuspos,
mapupuspos ng galak at kapayapaan.
Ⅱ
Kung isang araw ako’y patayin
at sa Diyos ay ‘di na makapagpatotoo,
ipapalaganap pa rin ang ebanghelyo ng kaharian
na parang apoy sa napakaraming nananalig.
Bagama’t ‘di ko alam kung ga’no kalayo,
ang malalakad ko sa baku-bakong daang ito,
ang Diyos ay patototohanan pa rin at mamahalin ko.
Ⅲ
Karangalan kong mailaan sa pagpapahayag
at pagpapatotoo kay Cristo.
Ang gusto ko lang gawin ay isagawa ang kalooban ng Diyos
at patotohanan ang pagpapakita at gawain ni Cristo.
Walang takot sa kahirapan,
parang lantay na gintong ginawa sa hurnuhan,
‘di matangay ni Satanas,
lumilitaw ang isang grupo ng matagumpay na mga sundalo.
Lumalaganap ang mga salita ng Diyos sa buong mundo
at lumitaw na ang liwanag, nagpakita na sa tao.
Nagbabangon at itinatatag sa kahirapan ang kaharian ni Cristo.
Kadilima’y palipas na, narito na ang matuwid na bukang-liwayway.
Panahon at realidad, nagpatotoo na para sa Diyos.