339 Kanino Ka Matapat?
I
Kung maglalatag ang Diyos
ng kayamanan sa harap n’yo,
malayang papipiliin sa lahat ng binigay Niya’t
sinasabing ‘di Niya kayo hahatulan,
karamiha’y pipiliin ang kayamanan
at tatalikuran ang katotohanan.
Ang mas mabubuti’y tatalikuran ang kayamana’t
mag-aatubiling pipiliin ang katotohanan.
Iyong nag-aalanga’y parehong pipiliin
ang kayamana’t katotohanan.
Sa gayon, ‘di kaya lalabas
tunay na mga kulay ninyo?
Palagi ninyong gagawin
ang ganyang pagpili sa pagitan
ng katotohana’t anumang bagay
na matapat kayo,
at ang ugali n’yo’y mananatiling pareho.
‘Di ba’t maraming nag-alinlangan
sa pagitan ng tama’t mali?
Sa laban ng mabuti’t masama, itim at puti,
batid n’yo ang mga pagpipilian
sa pagitan ng pamilya, Diyos; anak, Diyos;
kapayapaan, kaguluhan;
mayaman, mahirap; dakila, karaniwan;
sinuportahan, tinanggihan.
Kung papipiliin kayong muli,
ano kaya ang magiging saloobin ninyo?
Yaong nauna pa rin kaya?
Bibiguin, sasaktan n’yo pa rin kaya ang Diyos?
May kaunting pag-aalab
pa rin kaya sa puso n’yo?
‘Di pa rin kaya ninyo malalaman
pa’no aaluin ang puso ng Diyos?
II
Dali-dali’y pumili ng payapa’t ‘di nasirang pamilya,
pinili’y kayamanan ‘di tungkulin
nang walang pag-aalinlangan,
karangyaan ‘di kahirapan, pamilya ‘di ang Diyos,
pinili’y kuru-kuro kaysa katotohanan.
Naharap sa lahat ng klase
ng masamang gawain ninyo,
tunay na nawala na lahat
ng tiwala ng Diyos sa inyo.
Siya ay lubusang namangha
dahil mga puso n’yo’y sadyang ‘di mapalambot.
Ang dedikasyon ng Diyos nang maraming taon,
ang pagsisikap ng Diyos nang maraming taon
ay nagdulot lang ng pagtalikod n’yo sa Diyos,
at naipakita’ng panlulumo n’yo sa Kanya.
Ngunit pag-asa Niya sa inyo’y
lumalago bawat araw,
dahil araw Niya’y nailantad na sa lahat,
gayunma’y patuloy n’yo pa ring ninanais
ang madidilim, masasamang bagay.
Naisip n’yo ba kung anong kahihinatnan ninyo?
Kung papipiliin kayong muli,
ano kaya ang magiging saloobin ninyo?
Yaong nauna pa rin kaya?
Bibiguin, sasaktan n’yo pa rin kaya ang Diyos?
May kaunting pag-aalab
pa rin kaya sa puso n’yo?
‘Di pa rin kaya ninyo malalaman
pa’no aaluin ang puso ng Diyos?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?