340 Ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos ang Liwanag ng Kaligtasan ng Tao

1 Karamihan sa inyo ay tinawag, ngunit kung hindi kayo napilitan sa inyong sitwasyon o hindi kayo natawag, lubos ninyong aayawan ang lumabas. Sino ang handang gumawa ng gayong pagtalikod? Sino ang handang iwan ang mga kasiyahan ng laman? Kayong lahat ay mga taong buong-kasakimang nagpapasasa sa kaginhawahan at naghahangad ng marangyang buhay! Nagkamit kayo ng napakadakilang mga pagpapala—ano pa ang masasabi ninyo? Ano ang mga reklamo ninyo? Tinulutan na kayong matamasa ang pinakadakilang mga pagpapala at pinakadakilang biyaya sa langit, at ngayon ay inihahayag sa inyo ang gawaing hindi pa nagawa sa lupa kailanman. Hindi ba ito isang pagpapala?

2 Kinakastigo kayo nang ganito ngayon dahil lumaban at naghimagsik kayo laban sa Diyos. Dahil sa pagkastigong ito, nakita na ninyo ang awa at pagmamahal ng Diyos, at nakita na rin ninyo ang Kanyang katuwiran at kabanalan. Dahil sa pagkastigong ito at dahil sa karumihan ng sangkatauhan, nakita na ninyo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at nakita na ninyo ang Kanyang kabanalan at kadakilaan. Hindi ba ito ang pinakapambihira sa mga katotohanan? Hindi ba ito isang buhay na may kahulugan? Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay puno ng kahulugan! Kaya, mas mababa ang inyong posisyon, mas pinatutunayan nito na itinataas kayo ng Diyos, at mas pinatutunayan nito ang malaking kahalagahan ng Kanyang gawain sa inyo ngayon. Ito ay sadyang isang kayamanang walang kasinghalaga! Sa pagdaan ng mga kapanahunan, walang sinumang nakapagtamasa ng gayon kadakilang kaligtasan. Ang katotohanan na mababa ang inyong posisyon ay nagpapakita kung gaano kadakila ang pagliligtas ng Diyos, at ipinapakita nito na ang Diyos ay tapat sa sangkatauhan—Siya ay nagliligtas, hindi namumuksa.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab

Sinundan: 339 Kanino Ka Matapat?

Sumunod: 342 Kinapopootan ng Diyos ang mga Emosyon sa Pagitan ng mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito