338 Nasaan ang mga Pagpapahayag Mo ng Katapatan sa Diyos?
I
Sumunod kayo sa Diyos
sa lahat ng mga taong ito
nang wala man lamang katiting na katapatan.
Bagkus, nagtuon lang kayo
sa mga taong mahal ninyo
at sa lahat ng sa inyo’y nagpapasaya.
Palagi n’yo silang nilalapit sa puso n’yo,
at ‘di n’yo kailanman sila iniwan.
Sa tuwing nasasabik o nagigiliw kayo
sa anumang bagay na mahal ninyo,
nangyayari ito habang
sumusunod kayo sa Diyos,
o kahit habang nakikinig kayo
sa Kanyang mga salita.
Kaya, sabi ng Diyos, ginagamit n’yo’ng
katapatang hiling Niya sa inyo
upang sa halip ay maging tapat
sa inyong “paborito.”
Mag-alay man kayo
ng isa o dalawang bagay sa Diyos,
hindi naman ito ang lahat-lahat ninyo.
‘Di nito pinapakita’ng
tunay n’yong katapata’y sa Kanya.
Ang Diyos at mga salita Niya’y palaging nahuhuli
sa likod ng mga bagay na kinagigiliwan ninyo.
At wala kayong magawa kundi ihuli ang mga ito.
Mayroon pa ngang inilalaan
ang huling puwestong ‘to
para sa mga bagay na
matutuklasan pa lamang nilang tapat sila.
‘Di kailanman nagkaroon ng kaunting bakas
ang Diyos sa mga puso nila.
II
Nakikisali kayo sa mga gawain
na tunay na gustung-gusto ninyong gawin.
May mga taong tapat sa anak na lalaki’t babae,
ang ilan ay sa asawa, trabaho’t kayamanan,
o nakakataas, katayuan o kababaihan.
Sa lahat ng bagay na matapat kayo,
‘di kayo kailanman napapagod, o naiinis.
Sa halip, kayo’y mas nasasabik magkaroon
ng mas marami pa ng mga bagay na ito
at mas mataas na kalidad,
‘di kayo kailanman sumusuko.
Kaya, sabi ng Diyos, ginagamit n’yo’ng
katapatang hiling Niya sa inyo
upang sa halip ay maging tapat
sa inyong “paborito.”
Mag-alay man kayo ng isa
o dalawang bagay sa Diyos,
hindi naman ito ang lahat-lahat ninyo.
‘Di nito pinapakita’ng
tunay n’yong katapata’y sa Kanya.
Ang Diyos at mga salita Niya’y palaging nahuhuli
sa likod ng mga bagay na kinagigiliwan ninyo.
At wala kayong magawa kundi ihuli ang mga ito.
Mayroon pa ngang inilalaan
ang huling puwestong ‘to
para sa mga bagay na
matutuklasan pa lamang nilang tapat sila.
‘Di kailanman nagkaroon ng kaunting bakas
ang Diyos sa mga puso nila.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?