108 Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Lubos na Nagpapahayag ng Pagliligtas ng Diyos
Ang tatlong yugto ng gawain
ay sentro ng plano ng Diyos.
Inihahayag nito kung ano ang Diyos
at ang disposisyon Niya.
I
Yaong ‘di alam ang tatlong yugto
ng gawain ng Diyos
ay ‘di kayang malaman kung pa’no Niya
inihahayag ang disposisyon Niya,
‘di malalaman ang karunungan ng gawain Niya,
bulag sa pagliligtas Niya sa tao’t
ang kalooban para sa kanila.
Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos lang
ang buong makahahayag ng disposisyon
at kalooban Niya sa pagligtas ng tao at
ang buong proseso ng pagliligtas.
II
Ang tatlong yugto’y buong naghahayag
sa gawaing iyon.
Yaong ‘di alam ang tatlong yugto ng gawain
ay ‘di nakikita’ng maraming prinsipyo’t paraan
ng gawain ng Banal na Espiritu.
Yaong nananatili lang sa doktrina
na mula sa isang yugto
ay yaong ‘nililimita ang Diyos sa doktrina.
Paniniwala nila’y malabo’t alanganin.
‘Di nila matatanggap
ang pagliligtas ng Diyos kailanman.
Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos lang
ang buong makahahayag ng disposisyon
at kalooban Niya sa pagligtas ng tao at
ang buong proseso ng pagliligtas.
Patunay ito na nakamit na Niya ang tao’t
natalo si Satanas.
Patunay ito ng tagumpay ng Diyos,
pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos