104 Ang mga Taong Nakamit ng Diyos ay Magtatamasa ng mga Pagpapalang Walang-Hanggan

1 Ang Aking gawain ay tatagal lamang ng anim-na-libong taon, at Ako ay nangako na ang pagkontrol ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin tatagal nang higit sa anim-na-libong taon. At ngayon, tapos na ang oras. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa panahon ng mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng kaluluwa sa lupa na kabilang sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay maaaring makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking Espiritu na nagkokontrol-ng-lahat. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Huhubugin Kong muli ang sangkatauhan, isang sangkatauhan na banal at siyang Aking tapat na lungsod sa lupa.

2 Dapat ninyong malaman na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko yaong natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusan Kong nalulupig, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, nguni’t hindi ito ang magiging karumal-dumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi isang sangkatauhan na natipon mula sa lahat niyaong Aking mga natamo. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, magagambala, o makukubkob ni Satanas, at magiging ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong nagtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nalulupig Ko na ngayon at nagtatamo ng Aking pangako.

3 Ang sangkatauhan na nalulupig sa panahon ng mga huling araw ay siya ring sangkatauhan na maliligtas at magtatamo ng Aking walang-hanggang mga pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Itong mga nasamsam sa digmaan ay Aking naililigtas mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging pagkakabuu-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bansa at denominasyon, mula sa bawat lugar at bayan, sa buong sansinukob. Sila ay galing sa iba’t ibang lahi, may iba’t ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng bansa at denominasyon sa buong mundo, at maging sa bawat sulok ng mundo. Hindi magtatagal, sila ay magsasama-sama upang buuin ang isang ganap na sangkatauhan, isang pagtitipon ng tao na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot

Sinundan: 103 Ang Gawain ng Pamamahala sa Tao ay ang Gawain ng Pagtalo kay Satanas

Sumunod: 105 Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Nagsasabi ng Lahat Tungkol sa Pamamahala ng Diyos sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito