124 Pinagpapala ng Diyos ang mga Nagmamahal sa Kanya

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay sumusunod sa Kanya,

lagi silang namumuhay sa Kanyang harapan.

Sa patnubay ng Kanyang mga salita,

nagkakamit sila ng kapayapaan at kasiyahan.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay matapat,

isinasagawa ang katotohanang kanilang naiintindihan.

Lagi nilang isinasapuso ang kalooban ng Diyos,

tinutupad nila ang kanilang tungkuling mapalugod Siya.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay may prinsipyo,

ginagamit ang katotohanan sa kanilang mga pananaw at kanilang mga gawa.

Walang mga patakaran at walang mga tanikala,

naiintindihan nila ang katotohanan at napalaya na sila, oo.

Pinagpapala ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya,

ang Kanyang paghatol at pagkastigo

ay laging nasa kanilang tabi.

Hinahangad nila ang katotohanan at nakakamit ang liwanag,

at nalinis ang kanilang katiwalian.

Pinagpapala ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya,

sila ay magiging tunay na masaya.

Sa pamamagitan ng paghatol, nakakamit nila ang kaligtasan.

Ang mga salita ng Diyos ay naging kanilang mismong buhay,

ang Kanyang mukha ay nagliliwanag sa kanila.


Ang mga nagmamahal sa Diyos ay gumagalang sa Kanya,

tinatanggap nila ang Kanyang puna.

Magkakasundong pinaglilingkuran nila ang Diyos,

isinasabuhay ang realidad, nagpapatotoo.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay tapat sa Kanya,

matatag sa pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok.

Binibitawan nila ang hinaharap at tadhana,

buong-pusong minamahal ang mahal na Makapangyarihang Diyos.

Ang mga nagmamahal sa Diyos, sumasamba sila sa Kanya,

pinupuri ang Kanyang pagiging matuwid at Kanyang kabanalan.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagtataglay ng katotohanan,

laging nagpapatotoo at nagluluwalhati sa Diyos.

Pinagpapala ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya,

ang Kanyang paghatol at pagkastigo

ay laging nasa kanilang tabi.

Hinahangad nila ang katotohanan at nakakamit ang liwanag,

at nalinis ang kanilang katiwalian.

Pinagpapala ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya,

sila ay magiging tunay na masaya.

Sa pamamagitan ng paghatol, nakakamit nila ang kaligtasan.

Ang mga salita ng Diyos ay naging kanilang mismong buhay,

ang Kanyang mukha ay nagliliwanag, ang Kanyang mukha ay nagliliwanag sa kanila.

Sinundan: 123 Labis na Pinagpala ang mga Nagmamahal sa Diyos

Sumunod: 125 Nakita Ko na ang Pag-ibig ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito