295 Ang Orihinal na Sangkatauhan ay mga Buhay na Katauhang may Espiritu
Ⅰ
Sa simula’y nilikha ng Diyos ang sangkatauhan.
Nilikha N’ya ang ninuno ng sangkatauhan na si Adan,
biniyayaan ng hugis at anyo, puno ng buhay.
Nagising si Adan na napaliligiran
ng kaluwalhatian ng Diyos.
At nilikha ng Diyos ang unang babae-si Eba.
Hinugot s’ya mula sa tadyang ni Adan.
S’ya’y ninuno rin ng buong sangkatauhan.
Kaya ang mga taong nilikha ng Diyos
ay puno ng Kanyang hininga at kalwalhatian.
O, anong maluwalhating araw,
nang likhain ng Diyos si Adan.
O, anong maluwalhating araw,
nang likhain ng Diyos si Eba.
Sila’y ninuno ng sangkatauhan,
kanyang dalisay at mahalagang yaman.
Lalaki’t babae, buhay na katauhang may espiritu.
Ⅱ
Gawang-kamay ng Diyos si Adan
na puno ng buhay at kaluwalhatian.
Isang s’yang perpektong anyo,
isang nilalang na binigyan ng espiritu,
nilalang na binigyan ng hininga,
kinakatawan ang wangis ng Diyos.
Si Eba ang ikalawang katauhang may hininga
na nilikha ng Diyos,
puno ng buhay at pinagkalooban
ng kaluwalhatian ng Diyos,
hinulma mula ky Adan na kalarawan ng Diyos,
buhay na katauhang may buto, laman at espiritu.
O, anong maluwalhating araw,
nang likhain ng Diyos si Adan.
O, anong maluwalhating araw,
nang likhain ng Diyos si Eba.
Sila’y ninuno ng sangkatauhan,
kanyang dalisay at mahalagang yaman.
Lalaki’t babae, buhay na katauhang may espiritu.
Lalaki’t babae, buhay na katauhang may espiritu.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao