263 Ang Lihim sa Iyong Puso
I
Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso,
na hindi mo kailanman namamalayan,
sapagkat ikaw ay nabubuhay
sa isang mundong walang liwanag.
Ang iyong puso’t espiritu’y natangay na ni Satanas.
Ang iyong mga mata’y natatakpan ng kadiliman,
at hindi mo makita ang araw sa kalangitan
ni ang kumikislap na bituin sa gabi.
Mga tainga mo’y barado
ng mga mapanlinlang na salita,
at ‘di mo naririnig
ang dumadagundong na tinig ni Jehova,
ni ang tunog ng mga tubig
na dumadaloy mula sa trono.
II
Naiwala mo ang lahat ng nararapat sa iyo,
lahat ng ipinagkaloob sa iyo
ng Makapangyarihan sa lahat.
Napasok ka na sa walang katapusang
dagat ng kapighatian,
walang lakas upang sagipin ang ‘yong sarili,
walang pag-asang mabuhay,
at ang tanging magagawa’y magpakasakit
at magmadali….
Mula sa sandaling iyon,
ika’y itinakdang pahirapan ni Satanas,
pahirapan ni Satanas
malayo sa mga pagpapala
ng Makapangyarihan sa lahat,
tinatahak ang landas na walang balikan.
Isang milyong pagtawag
man ay ‘di kayang pukawin
ang ‘yong puso’t espiritu.
Ika’y mahimbing na natutulog sa kamay ni Satanas,
na nakaakit sa iyong pumasok
sa isang walang hangganang lupain
na walang direksyon o mga palatandaan sa daan.
III
Simula noon, nawala sa iyo’ng
orihinal mong kawalang-muwang at kadalisayan,
at nagsimulang iwasan ang pangangalaga
ng Makapangyarihan sa lahat.
Sa iyong puso, si Satanas na
ang nagpapakilos sa iyo sa lahat ng bagay
at naging ‘yong buhay.
‘Di mo na siya kinatatakutan,
iniiwasan, o pinagdududahan;
sa halip, itinuturing mo siyang Diyos sa ‘yong puso.
Sinimulan mo na siyang idambana’t sambahin,
at kayo’y ‘di na mapaghiwalay,
magkasamang mabubuhay at mamamatay.
Wala kang ideya kung saan ka nagmula,
kung bakit ka isinilang, o kung bakit ka mamamatay.
Wala kang ideya kung saan ka nagmula,
kung bakit ka isinilang, o kung bakit ka mamamatay.
IV
Hindi mo na kilala ang Makapangyarihan sa lahat;
‘di mo alam ang Kanyang pinagmulan;
lalo pa’ng lahat ng nagawa Niya para sa ‘yo.
Lahat ng mula sa Kanya’y
naging kamuhi-muhi na sa iyo;
hindi mo ito pinahahalagahan
ni ‘di alam ang halaga nito.
Ikaw ay lumalakad kasama si Satanas,
simula pa sa araw na ika’y tumanggap
ng probisyon ng Makapangyarihan sa lahat.
Natiis mo na ang libu-libong taon
ng mga bagyo’t unos kasama si Satanas,
at magkaagapay sa pagsalungat
sa Diyos na pinagmulan ng iyong buhay.
Wala kang alam sa pagsisisi,
lalo pa ngayong humantong ka na
sa bingit ng kamatayan.
V
Nalimutan mo nang ika’y tinukso’t
pinahirapan ni Satanas;
nalimutan mo na ang iyong mga pinagsimulan.
Sa gayo’y pinahirapan ka niya
sa bawat hakbang ng daan hanggang ngayon.
Puso mo at espiritu’y namanhid at nabulok.
Hindi ka na dumaraing
tungkol sa pagdurusa sa mundo ng tao;
hindi ka na naniniwalang
ang mundo’y hindi makatarungan.
Wala ka pang pakialam kung mayroon
nga bang Makapangyarihan sa lahat.
Ito ay dahil matagal mo nang itinuring
na ama si Satanas,
at hindi makakayang mawalay sa kanya.
Ito ang lihim sa iyong puso.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat