Paunang Salita
Ang nilalaman ng Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin ay nahahati sa dalawang bahagi: mga himno ng mga salita ng Diyos, at mga himno ng buhay-iglesia.
Ang mga himno ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay lubos na hinango sa mga piling sipi ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang paglalahad ng mahahalagang pagbigkas na ito sa awit ay may malaking pakinabang sa mga hinirang ng Diyos sa pagsasagawa nila ng mga espirituwal na debosyon, paglapit sa Diyos, pagmumuni-muni sa Kanyang mga salita, at pag-unawa sa katotohanan. Higit na mas kapaki-pakinabang ang mga ito sa mga taong dumaranas ng mga salita ng Diyos at pumapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos.
Ang mga himno ng buhay-iglesia ay mga himno ng patotoo na isinulat ng mga hinirang ng Diyos batay sa mga naranasan nilang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang mga himnong ito ay nagpapatotoo sa epektong nagagawa ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga tao. Pinatototohanan ng mga ito na ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay lubos na nakalulupig, nakalilinis, at nagpeperpekto sa mga tao. Lubos na pinatutunayan ng mga ito na ang Diyos ay nakabuo na ng isang grupo ng mga mananagumpay sa Tsina, nagtagumpay laban kay Satanas, at lubos na naluwalhati. Ang mga himnong ito ay naghahatid sa mga tao ng pananampalataya at lakas, at naghihikayat sa kanilang magnilay-nilay sa kanilang sarili, tingnan ang kanilang mga pagkukulang, lutasin ang kanilang mga paghihirap at pagkalito—pinagtitibay na ang mga nakauunawa lamang sa katotohanan ang maaaring magpalaya ng kanilang sarili mula sa impluwensya ni Satanas, na ang katotohanan ay makapagpapalaya ng mga tao. Ang magagandang awitin ay katuwang sa buhay, nariyan upang tumulong tuwing kailangan. Pinagmumulan ang mga ito ng malaking kasiglahan.
Agosto 8, 2020