88 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Tunay at Totoo
1 Sino ang nagpapahayag ng katotohanan at nagkakaloob ng kaligtasan, ginagawa ang tao na makakita ng pag-asa? Sino ang gumaganap ng gawain ng paghatol ng mga huling araw, dinadala ang daan ng buhay na walang hanggan? Ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong mundo. Itinaas tayo sa harap Niya upang dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Sa pagtamasa ng mga salita ng Diyos at pag-unawa sa katotohanan, nakita na natin ang mukha ng Diyos. Sa pagdanas sa paghatol ng mga salita Niya, mayroon tayong isang malinaw na pagtingin sa katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan. Ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ay nililinis tayo sa ating mga tiwaling disposisyon. Nakakamit natin ang katotohanang buhay, at isinasabuhay natin ang wangis ng mga bagong tao.
2 Sino ang naglalakad sa tabi natin, patuloy na gumagabay sa atin sa paghihirap? Sino ang umaakay sa atin gamit ang mga salita upang magtagumpay laban kay Satanas, ang malaking pulang dragon? Ito ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, dala-dala ang awtoridad at puwersa ng buhay, nagdaragdag sa ating pananampalataya at lakas upang tayo ay maaaring tumayong patotoo sa gitna ng paghihirap. Ang Diyos ang sumasama sa atin sa mahirap na paglalakbay sa mala-demonyong lungsod ng malaking pulang dragon; sumasaatin ang Kanyang mga salita sa kadiliman bago ang bukang liwayway. Sa sandaling iyon sa pagitan ng buhay at kamatayan, sa panahon ng pananalasa ni Satanas, natitikman natin ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at nalalaman natin na napakakaibig-ibig ng Diyos; mamahalin natin Siya at magpapatotoo sa Kanya habambuhay. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay tunay na tunay. Na matatamo natin ngayon ang paghatol at pagpapadalisay ng Diyos ay sa pamamagitan lamang ng Kanyang biyaya. Nagpapasalamat at nagpupuri tayo sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay sa atin ng katotohanang buhay. Tapat nating gagampanan ang ating mga tungkulin at hahanapin ang katotohanan upang suklian ang pag-ibig ng Diyos.