666 Yaong Nasubok ng mga Salita ng Diyos ay Pinagpala
Lahat ay may pagpipino
na dahil sa mga salita ng Diyos.
Kung ‘di nagkatawang-tao’ng Diyos,
tao’y ‘di mabibiyayaan nitong paghihirap.
Lahat ay napipino na sa mga salita Niya.
Yaong sinubok ng mga salita Niya’y pinagpala.
I
Batay sa likas na kakayahan ng tao,
mga gawa, saloobin nila sa Diyos,
sila’y ‘di karapat-dapat sa gayong pagpipino.
Biyayang ito’y pagtataas ng Diyos.
Sinabi ng tao’y ‘di sila karapat-dapat
makita’ng mukha’t marinig ang mga salita Niya.
Ngayon dahil sa pagtataas at awa Niya
sila’y napipino ng mga salita Niya.
Ito ang biyaya ng lahat sa mga huling araw.
Direktang naranasan n’yo na ba ito?
Lahat ay may pagpipino
na dahil sa mga salita ng Diyos.
Kung ‘di nagkatawang-tao’ng Diyos,
tao’y ‘di mabibiyayaan nitong paghihirap.
Lahat ay napipino na sa mga salita Niya.
Yaong sinubok ng mga salita Niya’y pinagpala.
II
Ang mga pagdurusang dapat danasin ng tao’y
itinatalaga ng Diyos;
‘di ‘to batay sa kinakailangan ng tao.
Ito ang ganap na katotohanan.
Mga naniniwala’y dapat tanggapin ang pagsubok
at magdusa sa Kanyang mga salita.
Kapalit ng pagdurusang napagdaanan mo na’y
natanggap mo na’ng biyaya ngayon.
Kung ‘di ka nagdurusa,
papuri Niya’y ‘di mo makakamit.
Marahil nagreklamo ka na sa nakaraan,
ngunit ‘di ‘yan naaalala ng Diyos.
Sumapit na’ng araw na ‘to,
‘wag tingnan ang kahapon.
Lahat ay may pagpipino
na dahil sa mga salita ng Diyos.
Kung ‘di nagkatawang-tao’ng Diyos,
tao’y ‘di mabibiyayaan nitong paghihirap.
Lahat ay napipino na sa mga salita Niya.
Yaong sinubok ng mga salita Niya’y pinagpala.
Yaong sinubok ng mga salita Niya’y pinagpala.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa