667 Hindi Nauunawaan ng Tao ang Mabubuting Layon ng Diyos
I
Tao’y nag-aalala, takot sa pagsubok ng Diyos,
habang nabubuhay sa bitag ni Satanas,
sa mapanganib na lugar ng pag-atake ni Satanas,
ngunit sila ay panatag. Anong nangyayari?
Tiwala ng tao sa Diyos
ay limitado lang sa nakikita niya.
Siya’y walang pagkaunawa sa pag-ibig
ng Diyos at alaga sa sangkatauhan.
Bukod sa pag-aalala’t takot sa pagtutuwid,
pagsubok, paghatol,
poot, pagkamaharlika ng Diyos,
tao’y walang pang-unawa sa mabuting layon Niya.
II
Dama ng tao sa pagbanggit ng pagsubok na
ang Diyos ay may lihim na motibo.
Akala pa ng iba’y may masamang layon ang Diyos,
sila’y walang malay kung anong gagawin
ng Diyos sa kanila.
Habang umiiyak ng pagsuko
sa dakilang kapangyariha’t plano ng Diyos,
ginagawa nila’ng lahat para labanan
ang paghahari ng Diyos
at ang plano ng Diyos para sa kanila.
Sila’y naniniwala na kung ‘di sila mag-iingat,
sila’y ililigaw ng Diyos;
kung ‘di nila mapigilan tadhana nila,
lahat ng kanila’y kukunin ng Diyos,
pati buhay nila’y babawiin.
Tiwala ng tao sa Diyos
ay limitado lang sa nakikita niya.
Siya’y walang pagkaunawa sa pag-ibig
ng Diyos at alaga sa sangkatauhan.
Bukod sa pag-aalala’t takot sa pagtutuwid,
pagsubok, paghatol,
poot, pagkamaharlika ng Diyos,
tao’y walang pang-unawa sa mabuting layon Niya.
III
Tao’y nasa kampo ni Satanas
ngunit siya’y ‘di takot
na maabuso’t mabihag ni Satanas.
Sabi niya’y tanggap niya’ng kaligtasan ng Diyos,
pero ‘di naniniwala sa Diyos na siya’y maliligtas.
Tiwala ng tao sa Diyos
ay limitado lang sa nakikita niya.
Siya’y walang pagkaunawa sa pag-ibig
ng Diyos at alaga sa sangkatauhan.
Bukod sa pag-aalala’t takot sa pagtutuwid,
pagsubok, paghatol,
poot, pagkamaharlika ng Diyos,
tao’y walang pang-unawa sa mabuting layon Niya.
Tulad ni Job, ‘pag tao’y susunod,
ibibigay pagkatao sa Diyos,
sa pangangasiwa’t kaayusan ng Diyos,
tulad ni Job, sa huli’y
makukuha niya’ng biyaya ng Diyos.
Kung tao’y susunod sa kapangyarihan ng Diyos,
ano ang mawawala?
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II