285 Pinupuno ng Pagdurusa ang mga Araw na Wala ang Diyos
I
‘Pag isang tao’y ‘di nakakaunawa sa kapalaran
o kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos,
‘pag siya’y kusang-loob na nangangapa pasulong,
pasuray-suray sa hamog,
ang paglalakbay ay napakahirap gawin,
ang paglalakbay ay magpapadurog
ng puso ng isang tao.
Pinupuno ng pagdurusa’ng
mga araw na wala ang Diyos.
Kung tao’y tanggap ang soberanya ng Lumikha,
nagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos,
at hangad na magkamit
ng tunay na buhay ng tao,
makakalaya siya sa kasawian,
makakalaya siya sa lahat ng pagdurusa,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay.
II
‘Pag isang tao’y walang Diyos
at ‘di Siya nakikita,
‘pag ‘di nakikilala’ng
kataas-taasang kapangyarihan Niya,
bawat araw ay miserable,
at walang halaga o kahulugan.
Nasa’n man o anumang gawain ng isang tao,
anumang kabuhayan at paghabol sa mga layunin,
‘pag wala siyang Diyos, ito’y nagdadala
ng walang katapusang dalamhati’t
‘di-maibsang pagdurusa.
Pinupuno ng pagdurusa’ng
mga araw na wala ang Diyos.
Kung tao’y tanggap ang soberanya ng Lumikha,
nagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos,
at hangad na magkamit
ng tunay na buhay ng tao,
makakalaya siya sa kasawian,
makakalaya siya sa lahat ng pagdurusa,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay.
III
‘Pag nakikilala ang kataas-taasang
kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao,
ang matatalino’y aalamin at tatanggapin ito,
at magpapaalam sa masasaklap na araw
nang sinubok nilang bumuo
ng magandang buhay sa sarili nilang kayod.
‘Di na sila makikipagbuno sa kapalara’t
‘di na magpapatuloy sa kanilang mga layunin.
Pinupuno ng pagdurusa’ng
mga araw na wala ang Diyos.
Kung tao’y tanggap ang soberanya ng Lumikha,
nagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos,
at hangad na magkamit
ng tunay na buhay ng tao,
makakalaya siya sa kasawian,
makakalaya siya sa lahat ng pagdurusa,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III