415 Ang Tagumpay o Kabiguan ay Nakasalalay sa Paghahabol ng Tao
Ⅰ
Dapat gampanan ng tao ang tungkulin n’ya
bilang nilikha ng Diyos,
hangarin na mahalin ang Diyos
nang walang ibang pipiliin,
dahil ang Diyos ay karapat-dapat
sa pagmamahal ng tao.
Ang mga taong hangad na mahalin ang Diyos
di dapat maghangad ng sariling pakinabang,
o ng personal nilang gusto.
Ito’y paghahabol sa tamang paraan.
O, at kung ang hinahangad mo’y katotohanan,
kung ang isinasabuhay mo’y katotohanan,
kung nagtatamo ka ng pagbabago sa disposisyon,
ang landas na tinatahak mo’y tama.
Ikaw ba’y magagawang perpekto o maaalis
depende sa sariling paghahabol mo.
Ikaw ba’y magtatagumpay o mabibigo
depende sa landas na tinatahak mo.
Ⅱ
Kung hinahangad mo’y mga biyaya ng laman,
isinasabuhay katotohanan ayon sa iyong mga akala,
nang walang pagbabago sa iyong disposisyon,
kung di mo sinusunod ang Diyos sa katawang-tao,
at kung ika’y nabubuhay pa rin sa kalabuan,
dadalhin ka sa impiyerno ng hinahangad mo,
dahil ang landas na tinatahak
mo’y siguradong mabibigo.
Ikaw ba’y magagawang perpekto o maaalis
depende sa sariling paghahabol mo.
Ikaw ba’y magtatagumpay o mabibigo
depende sa landas na tinatahak mo,
depende sa landas na tinatahak mo.
Ikaw ba’y magagawang perpekto o maaalis
depende sa sariling paghahabol mo.
Ikaw ba’y magtatagumpay o mabibigo
depende sa landas na tinatahak mo,
depende sa landas na tinatahak mo,
depende sa landas na tinatahak mo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao