414 Bakit Nabibigo ang mga Tao sa Kanilang Pananampalataya
I
Ang pinakapangunahing kailangan sa
pananalig ng tao sa Diyos ay pusong tapat.
Dapat niyang lubos na ilaan
ang sarili niya’t tunay na sumunod.
Ang pinakamahirap sa tao’y
ibigay ang buong buhay niya
kapalit ng tunay na pananalig,
kung sa’n makakamit niya’ng buong katotohanan,
at tungkulin niya’y natutupad
bilang nilalang ng Diyos.
Ito’y ‘di kayang matamo ng mga nabibigo,
at lalo na ng mga ‘di makasumpong kay Cristo.
Dahil tao’y ‘di magaling magdebosyon sa Diyos,
at ayaw gawin ang tungkulin niya sa Diyos,
dahil kita na niya’ng katotohanan
ngunit tinatahak ang sariling landas,
at laging naghahangad sa pamamagitan
ng pagsunod sa mga nabigo,
dahil siya’y sumusuway sa Langit,
tao’y laging bigo’t
natatangay sa panlilinlang ni Satanas,
at nabibitag sa sariling patibong.
II
Dahil tao’y ‘di magaling
sa pag-unawa ng katotohanan,
at ‘di kilala si Cristo,
dahil masyado niyang sinasamba si Pablo
at mapag-imbot sa langit,
at dahil hiling niyang sundin siya ni Cristo,
at inuutusan ang Diyos,
sa gayon yaong mga dakila’t nakaranas na
sa mga pagbabago sa mundo’y mortal pa rin.
Kaya silang lahat ay mamamatay pa rin;
mamamatay sa gitna ng pagkastigo ng Diyos.
Dahil tao’y ‘di magaling magdebosyon sa Diyos,
at ayaw gawin ang tungkulin niya sa Diyos,
dahil kita na niya’ng katotohanan
ngunit tinatahak ang sariling landas,
at laging naghahangad sa pamamagitan
ng pagsunod sa mga nabigo,
dahil siya’y sumusuway sa Langit,
tao’y laging bigo’t
natatangay sa panlilinlang ni Satanas,
at nabibitag sa sariling patibong.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao