173 Tumibay ang Aking Kapasyahan sa Pamamagitan ng Pag-uusig
1 Hawak ni Satanas ang kapangyarihan at kinokontra ang Langit. Ito ay napakasama, walang batas at walang dinidiyos. Kinamumuhian nito si Cristo at isinusumpa ang katotohanan; madugo nitong sinusugpo ang mga Kristiyano at natatakpan ng maiitim na ulap ang buong lupain. Ang pagsunod kay Cristo at pagsisikap na mabuhay ay mahirap na landas at maraming panganib at hirap sa daan. Kailan tayo ligtas na makapagtitipon at makapagbabahagi ng mga salita ng Diyos, at hindi na nagtatago? Kailan natin magagampanan ang ating tungkulin nang hindi na kailangang mag-ingat sa mga espiya at pulis na hindi nakauniporme? Kailan natin maipapangaral ang ebanghelyo at mapapatotohanan ang Diyos nang hindi inaaresto at ikinukulong? Kailan mamumuhay nang hindi bilang mga pugante ang pinaghahanap na mga kapatid? Maraming beses nang sumama ang loob ko, kaya hindi ko mapigilang umiyak: Bakit nito ipinagkakait sa atin ang kalayaang manalig at pinapatay ang lahat ng Kristiyano? Bakit nito itinatago ang katotohanan para linlangin at lokohin ang mga tao sa mundo? Nasasaktan, sumasamo at umaasa ako sa Diyos, hinihiling na bigyan Niya ako ng pananampalataya at lakas. Gaano man kabigat ang pag-uusig at hirap, hinding-hindi ako susuko kay Satanas.
2 Sa pagkakulong, hirap at pagdurusa, ginagabayan ako ng mga salita ng Diyos, at wala nang takot sa puso ko. Nauunawaan ko ang katotohanan at naaaninag ang pangit na mukha ng diyablo, at mas namumuhi ako sa malaking pulang dragon. Kahit nasasaktan, lumalakas ang aking pananampalataya. Alam ko kung ano ang mamahalin at ano ang kamumuhian, at mas nadarama ko kung gaano kaibig-ibig ang Diyos. Kapag hindi ko na matiis ang hirap at pagdurusa, pinatatatag ng mga salita ng Diyos ang aking pananampalataya. Kapag nanganganib ang aking buhay, lihim akong pinoprotektahan ng Diyos mula sa kapahamakan. Kapag napapalibutan ako ng mga tukso ni Satanas, binibigyan ako ng mga salita ng Diyos ng tapang at karunungan. Dahil katabi ko ang Diyos sa mahaba at madilim na gabi, ang aking puso ay puno ng init. Sa proteksiyon at patnubay ng mga salita ng Diyos, napagtagumpayan ko ang matinding pang-aabuso ng diyablo. Naranasan ko na ang dakilang awtoridad ng mga salita ng Diyos at ang kataas-taasang kapangyarihan ng mga ito sa lahat. Sa paghihirap, nadarama ko ang presensiya ng Diyos. Bagama’t nagdurusa ang aking laman, may tamis sa aking puso. Ang mga salita ng Diyos ay nasa akin at gumagabay sa akin. Ipinapangako ko ang aking buhay na lalaban ako sa pangwakas na laban kay Satanas hanggang wakas. Matibay ang aking pasya na matunog akong magpapatotoo upang luwalhatiin ang Diyos.