174 Sumunod Nang Mabuti sa Diyos

1 Malalim at tahimik ang gabi; sa labas, tumatahol ang mga aso at tumutunog ang mga sirena. Takot ang nasa puso ko; maaari akong dakpin at ikulong anumang oras. Tumakas ako mula sa aking tahanan, hindi alam kung saan ako makahahanap ng masisilungan. Walang mga karapatang pantao, nagdanas ako ng matinding pag-uusig at kahirapan. Sa kutang ito ng mga demonyo, may kapangyarihan si Satanas; napakadilim. Ipinagbabawal ang liwanag at katotohanan sa mga tao. Walang kabuluhang umaasa ang malaking pulang dragon na kontrolin ang tao magpakailanman, pinipigilan ang mga tao na sambahin ang tunay na Diyos at tahakin ang tamang landas. Dinaramdam ko na ang “kalayaan ng pananampalataya” ay isa lamang kasinungalingan. Umaasa akong malapit nang dumating ang kaharian ni Cristo.

2 Sa madilim na gabi, ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos sa bawat hakbang. Sa gitna ng pagdurusa mula sa pag-uusig, ginagawang perpekto ang ating pananampalataya. Sa gitna ng pagpipino, nalilinis ang ating mga tiwaling disposisyon. Sa gitna ng matinding pagdurusa, nalilikha ang pangkat ng mga mananagumpay. Sumusunod ang mga tao ng Diyos sa Diyos, alam kung ano ang iibigin at kung ano ang kamumuhian. Minamahal ng mga walang pananampalataya ang buhay lamang at tinatalikdan ang katotohanan. Mahina ang loob, nawala ang kanilang pagkatao at dignidad. Ibinibigay ng mga umiibig sa Diyos ang kanilang buhay upang matamo ang katotohanan. Isa lamang gamit-panserbisyo ng Diyos ang malaking pulang dragon. Kahit na mabagsik, sa huli’y wawasakin ito ng Diyos. Kasama ko ang mga salita ng Diyos sa gitna ng paghihirap; sa pag-alaala sa biyaya ng Diyos, ramdam kong higit pa Siyang kaibig-ibig. Inusig dahil sa pagiging matuwid sa baku-bakong daan, mayroong tamis sa gitna ng kapaitan, at maluwalhati ang aking pakiramdam. Nananampalataya ako na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ipinangangako kong ibibigay ang aking buhay upang maging tapat at susunod ako nang mabuti sa Kanya.

Sinundan: 173 Tumibay ang Aking Kapasyahan sa Pamamagitan ng Pag-uusig

Sumunod: 175 Pagtitipon sa mga Talahiban

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito