172 Pagsasabuhay sa Ating Misyon

1 Nabubuhay tayo sa mundo. Sa buhay at kamatayan, sa kasaganaan at kasawian—walang sinuman ang hindi sakop ng pamumuno ng Diyos. Tagumpay at kabiguan, karaniwan at kayamanan, kagalakan at pighati—lahat ay walang laman. Ang Cristo ng mga huling araw ay nagpapahayag ng mga salita, dinadala sa mga tao ang landas ng liwanag sa buhay. Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos, nauunawaan ang katotohanan, at nakikita kung gaano kalalim ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang lahat ng mga paghahayag, paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ay upang dalisayin at iligtas ang tao. Naranasan na natin ang paghatol at nagkaroon ng bahagi ng pagpipino, at nalinis na ang ating mga satanikong disposisyon. Sa pagsasagawa ng katotohanan, pagiging matapat na tao at pagsasabuhay ng pagkakatulad sa tao, ang ating mga puso ay payapa. Tinatamasa natin ang pagmamahal ng Diyos kaya dapat natin Siyang suklian at ipalaganap ang tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Isinasaalang-alang natin ang Kanyang kalooban at isinasagawa natin ang ating misyon. Ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos at tapat tayo hanggang kamatayan. Isinasantabi natin ang lahat at inihahandog ang lahat ng ating sarili. Tapat tayo sa Diyos at isinasaalang-alang ang ating misyon magpakailanman.

2 Sa Tsina, ang lupain ng mga demonyo, walang karapatang pantao. Inuusig tayo dahil sa pagpapatotoo natin kay Cristo. Inaresto, ikinulong, inimpluwensiyahan ang paniniwala, pinahirapan, lubos na winasak, dumadaan tayo sa mga paghihirap at nauunawaan ang katotohanan, at malinaw na nakikita ang nakasusuklam na mga mukha ng demonyo. Kinasusuklaman natin si Satanas, napakakasuklam-suklam at malupit, at sa mga puso natin inaasam natin na si Cristo ang mamuno. Ang daan patungo sa kaharian ay mahirap at baku-bako. Umaasa tayo sa salita ng Diyos para tuloy-tuloy na lumakad pasulong. Tayo ay kinukutya at sinisiraan, tinatanggihan at iniiwasan, ngunit sa mga salita ng Diyos, ang ating pasya ay matatag. Puno ng pananampalataya, ipinapalaganap natin ang katotohanan at tinutupad ang misyon na ipinagkatiwala sa atin. Ang ebanghelyo ng kaharian ay umaabot sa buong sansinukob; ang kaharian ni Cristo ay natatanto sa mundo. Ang mga kasawian at pagdurusa ay lahat nasa nakalipas, ang liwanag ng pagiging matuwid ay nagsimula na. Tayo’y nagbibigay-papuri at kumakanta—si Cristo ay namumuno sa mundo bilang Hari!

Sinundan: 171 Ninanais ng Puso

Sumunod: 173 Tumibay ang Aking Kapasyahan sa Pamamagitan ng Pag-uusig

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito