593 Ang Pamantayan ng Diyos sa Pagsukat ng Mabuti at Masama

1 Ano ang pamantayan kung paano hinuhusgahan ang mga gawa ng isang tao bilang mabuti o masama? Depende ito sa kung taglay mo o hindi, sa iyong mga iniisip, pagpapahayag, at kilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan. Kung wala ka ng realidad na ito, walang duda na ikaw ay isang masamang tao. Ang mga iniisip at ipinapakita mong mga kilos ay hindi sumasaksi sa Diyos, ni pinapahiya o tinatalo ng mga ito si Satanas; sa halip, pinapahiya ng mga ito ang Diyos, at puno ng mga markang nagpapahiya sa Diyos. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni hindi mo ginagampanan ang responsibilidad at mga obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Sa katunayan ang “para sa iyong sariling kapakanan” ay nangangahulugang para kay Satanas.

2 Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Sa mga mata ng Diyos, hindi ka nakagawa ng mabubuting gawa; sa halip, naging masama ang iyong asal. Hindi ka gagantimpalaan at hindi ka aalalahanin ng Diyos. Hindi ba ito ganap na walang kabuluhan? Para sa bawat isa sa inyo na tumutupad sa inyong tungkulin, gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, kung nais mong pumasok sa katotohanang realidad, ang pinakasimpleng paraan para magsagawa ay isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo, at bitawan ang iyong mga makasariling hangarin, indibidwal na layon, mga motibo, karangalan, at katayuan. Unahin mo ang mga interes ng bahay ng Diyos—ito ang pinakamaliit na dapat mong gawin. Kung hindi ito magawa ng isang taong gumaganap sa kanyang tungkulin, ang taong iyon ay isang tagaserbisyo, at hindi ito pagganap ng isang tao sa tungkulin.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon

Sinundan: 592 Ang Paggawa Nang Walang Ingat ay Hindi Pagganap ng Tungkulin

Sumunod: 594 Patatalsikin ng Diyos ang mga Bigong Tuparin ang Kanilang mga Tungkulin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito