592 Ang Paggawa Nang Walang Ingat ay Hindi Pagganap ng Tungkulin
1 Ang wala sa loob na paggawa sa iyong tungkulin ay matinding ipinagbabawal. Kung patuloy kang kikilos nang ganito, hindi mo magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Dapat mo itong gawin nang buong puso! Napakahirap dumating ng pagkakataong ito sa mga tao! Kapag binibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon, ngunit hindi nila ito sinusunggaban, nawawala ang pagkakataong iyon—at kahit na sa kalaunan, naisin nilang makahanap ng ganoong pagkakataon, maaring hindi na iyon muling dumating. Ang gawain ng Diyos ay hindi naghihintay sa sinuman, at hindi rin naghihintay sa sinuman ang mga pagkakataon para gawin ang tungkulin ng isang tao. Hindi marami ang mga pagkakataong dumarating, kaya’t dapat mong hawakan ang mga iyon kapag dumating ang mga iyon.
2 May ibang taong hindi buong puso ang pagtupad sa kanilang tungkulin, at lahat ng ginagawa nila, ginagawa nila nang walang pag-iingat, nang nagmamatyag. Hindi sila maingat ni bahagya sa gawain nila. Kapag ipinagagawa sa kanila ang isang bagay, nagsisikap sila nang kaunti, at mas maganda nang kaunti ang gawain nila kapag binabantayan sila, mas pangit nang kaunti kapag hindi—at inaakala nilang walang nakakakita sa kanila sa paggawa nang ganoon. Sa pagdaan ng panahon, mahuhuli sila ng iba at malalaman ang ginagawa nila. Lubos na nilang itinapon ang dignidad at integridad nila. Kung hindi sila mapagkakatiwalaan ng mga tao, paano sila pagkakatiwalaan ng Diyos? Hindi mapagkakatiwalaan ang ganoong mga tao.
3 Kapag ang isang tao ay palaging wala sa loob gumawa ng kanyang tungkulin, at kung patuloy niyang binabalewala ang Diyos, nasa malaking panganib siya! Ano ang mga resulta ng pagiging sadyang mapanlinlang? Sa loob ng maikling panahon, magkakaroon ka ng tiwaling disposisyon, madalas kang magkakasala nang hindi nagsisisi, at hindi ka matututong magsagawa ng katotohanan, ni hindi mo ito isasagawa. Sa loob ng mahabang panahon, habang patuloy mong ginagawa ang mga bagay na iyon, maaring hindi ka nga gumagawa ng malalaking pagkakamali, pero wala kang tigil sa paggawa ng maliliit na pagkakamali. Sa huli, hahantong ito sa mga resultang hindi na maitatama. Ang resultang nais mo ay mawawala na!
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin