594 Patatalsikin ng Diyos ang mga Bigong Tuparin ang Kanilang mga Tungkulin
1 Nagpabalik-balik na Ako sa mga bulubundukin at lambak ng ilog, na nagdaranas ng mga tagumpay at kabiguan ng mundo ng mga tao. Nakagala na Ako na kasama sila, at namuhay na Ako nang maraming taon na kasama sila, subalit mukhang napakaliit ng ipinagbago ng disposisyon ng sangkatauhan. At parang nag-ugat na at umusbong ang dating likas na pagkatao ng mga tao sa kanila. Hindi nila kailanman nagawang baguhin ang dating likas na pagkataong iyon; pinabubuti lamang nila iyon kahit paano mula sa orihinal nitong pundasyon. Tulad ng sinasabi ng mga tao, hindi nagbago ang kakanyahan, ngunit nagbago nang husto ang anyo. Tila tinatangka Akong lokohin ng lahat ng tao, upang makalusot sila at makamit ang Aking pagpapahalaga.
2 Dahil mga walang silbi na kalunos-lunos ang lahat ng tao na hindi mahal ang kanilang sarili, at hindi man lamang itinatangi ang kanilang sarili, kung gayon, bakit pa nila kakailanganin na magpakita Akong muli ng awa at pagmamahal? Walang eksepsyon, hindi kilala ng mga tao ang kanilang sarili, ni hindi nila alam kung gaano sila kahalaga. Dapat nilang timbangin ang kanilang sarili. Hindi ba kayo inilalarawan nito, Aking mga tao? Sino na sa inyo ang nakagawa ng pagpapasiya sa Aking harapan at hindi iwinaksi ang mga ito pagkatapos? Sino na ang nakagawa ng pangmatagalang mga pagpapasiya sa Aking harapan sa halip na madalas na itakda ang kanilang isipan sa mga bagay-bagay? Noon pa man, gumagawa na ang mga tao ng mga pagpapasiya sa Aking harapan sa mga panahon ng kaluwagan, at pagkatapos ay binabawing lahat ang mga ito sa mga panahon ng kagipitan; pagkatapos, kalaunan, muli nilang binubuhay ang kanilang pagpapasiya at inilalahad iyon sa Aking harapan.
3 Lubha ba Akong hindi kagalang-galang para basta Ko na lamang tanggapin ang basurang ito na napulot ng sangkatauhan mula sa tambakan ng basura? Kakaunting tao ang kumakapit sa kanilang mga pagpapasya, kakaunti ang walang sala, at kakaunti ang nag-aalay ng mga bagay na pinakamahalaga sa kanila bilang sakripisyo sa Akin. Hindi ba ganoon kayong lahat? Kung hindi ninyo matupad ang inyong mga tungkulin bilang mga miyembro ng Aking mga tao sa kaharian, kamumuhian at tatanggihan Ko kayo!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 14