148 Ang Pinakadakilang Kagalaka’y Paghahangad na Mahalin ang Diyos
Ⅰ
Ang Anak ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao.
Pag-ibig Niya’y gumigising ng milyun-milyong puso.
Siya ang sinisinta ng bayan ng Diyos.
Sinong ‘di mag-aasam na mahalin Siyang totoo?
Pahayag Niya’y katotohanan nang maligtas sangkatauhan.
Sa mundo’y nakarating Kanyang kaharian.
Lahat ay sasamba kay Cristo sa mga huling araw,
Makapangyarihang Diyos, pag-ibig Niya’y nagpapagalak.
Diyos nagpapakita upang totoo’y ihayag,
at linisin katiwalian ng tao.
Dala Niya ay daan ng walang hanggang buhay,
upang tao’y makawala sa lahat ng masama
at maligtas habambuhay.
Ⅱ
Upang totoo’y kamtin, salita ng Diyos ay basahin,
tapat mo Siyang mahalin, puso mo’y ialay.
Ang lahat sa Kanya’y ibigay, tuparin ang iyong tungkulin.
Lahat ito’y gawin sa kaluguran ng Diyos.
Diyos nagpapakita upang totoo’y ihayag,
at linisin katiwalian ng tao.
Dala Niya ay daan ng walang hanggang buhay,
upang tao’y makawala sa lahat ng masama
at maligtas habambuhay.
Ⅲ
Upang mahalin ang Diyos, kailangan mong isaalang-alang
Kanyang kalooban, tupdin iyong tungkulin.
Katotohanan ay isabuhay at iyong tatanggapin
ang pag-ibig at pagpapala ng Diyos!
Diyos nagpapakita upang totoo’y ihayag,
at linisin katiwalian ng tao.
Dala Niya ay daan ng walang hanggang buhay,
upang tao’y makawala sa lahat ng masama
at maligtas habambuhay.