280 Ang Diyos ang Nag-iisang Pinuno ng Tadhana ng Tao

Gaano man kalayo ang iyong nilakad sa buhay,

gaano ka man katanda ngayon,

gaano man katagal mananatili sa iyong pinagdaraanan,

dapat mong kilalanin awtoridad ng Diyos,

taimtim na alamin Sya’y iyong natatanging Panginoon.

Gaano man kahusay ang kakayanan ng isang tao,

‘di maiimpluwensiyahan kapalaran ng iba,

lalo pa’ng isaayos, baguhin, o kontrolin.

Tanging ang Diyos lamang ang may kapamahalaan

sa lahat ng bagay para sa tao,

‘pagkat Siya lamang ang may awtoridad

upang pamunuan ang kapalaran ng tao,

kaya nga’t ang Manlilikha lamang

ang tanging Panginoon ng tao.


Lahat ay kailangang may malinaw at wastong kaalaman

sa kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao.

Ito ang susi sa kaalaman ng buhay ng tao,

makamit ang katotohanan,

ang aral na makilala ang Diyos araw-araw.

Hindi maaring madaliin ang pag-abot sa layunin.


Di mo matatakasan ang kapangyarihan ng Diyos.

Tanging ang Diyos lamang ang Panginoon ng tao,

ang tanging Panginoon ng kanyang tadhana.

Kaya di maididikta ng tao kanyang sariling tadhana;

imposibleng malampasan nya ito.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Sinundan: 279 Pinuri ng Diyos ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive

Sumunod: 281 Hindi Mapipigilan ng Sangkatauhan ang Kanilang Sariling Kapalaran

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito