279 Pinuri ng Diyos ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive
I
Nang marinig ng hari ng Ninive
Diyos na si Jehova’y lilipulin sila,
siya’y tumayo mula sa trono,
hinubad kanyang balabal,
telang-sako’y ‘sinuot at sa abo’y umupo,
sinabi niyang tao’t hayop ay magsuot din,
walang dapat tumikim ng anuman,
sa halip ang lahat ay magmakaawa sa Diyos.
Ipinahayag niya na ang bawat isa’y
talikdan ang gawaing masama
at karahasan sa mga kamay nila.
Hari ng Ninive tunay ang pagsisisi,
nagampanan gawain ng isang hari.
Ginawa niya’y mahirap para sa ibang hari,
‘di pa nagawa sa kasaysayan.
Karapat-dapat gunitain at tularan ng tao.
II
Mula simula ng tao,
inakay ng mga hari ang sakop nila
na labana’t tutulan ang Diyos.
Walang umakay magsumamo sa Diyos
nang mailigtas sa masasamang gawain nila,
nang mapatawad, parusa’y maiwasan.
Ngunit ang hari ng Ninive’y
inakay ang sakop niya sa Diyos,
tumalikod sa karahasan at kasamaan.
Isinuko niya rin ang trono,
kaya’t binawi ng Diyos Kanyang poot,
nang maligtas ang lahat sa pagkawasak.
Hari ng Ninive tunay ang pagsisisi,
nagampanan gawain ng isang hari.
Ginawa niya’y mahirap para sa ibang hari,
‘di pa nagawa sa kasaysayan.
Karapat-dapat gunitain at tularan ng tao.
III
Pambihirang himala sa kasaysayan!
Ginawa ng hari’y halimbawa kung pa’no
mangumpisal at magsisi sa harap ng Diyos.
Hari ng Ninive tunay ang pagsisisi,
nagampanan gawain ng isang hari.
Ginawa niya’y mahirap para sa ibang hari,
‘di pa nagawa sa kasaysayan.
Karapat-dapat gunitain at tularan ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II