149 Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao
Ⅰ
Ang pagkakatawang-tao
ay pagiging tao ng Espiritu ng Diyos.
Ibig sabihi’y nagiging tao ang Diyos Mismo.
Ang Kanyang gawain sa katawang-tao
ay ang gawain ng Espiritu na nagkakatotoo
at ipinapahayag ng katawang-tao.
Wala maliban sa katawang-tao ng Diyos
ang makakagawa ng ministeryo
ng Diyos na nagkatawang-tao.
Ang nagkatawang-taong Diyos lamang,
ang normal na pagkataong ‘to,
ang makapagpapahayag ng maka-Diyos na gawain.
Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos
ay ‘yong ginagawa ng isang ordinaryo
at normal na tao ang gawain ng Diyos,
na ginagawa ng Diyos ang Kanyang
maka-Diyos na gawain sa tao at ginagapi si Satanas.
Ⅱ
Sa pagparito sa katawang-tao para gumawa,
ipinapakita Niya kay Satanas na tao na ang Diyos.
Ang Diyos ay isa nang normal at ordinaryong tao,
ngunit tagumpay Siyang makapaghahari sa buong mundo.
Ipinapakita Niya kay Satanas na tao na ang Diyos,
ngunit nagagapi Niya si Satanas,
natutubos Niya ang sangkatauhan,
nalulupig Niya ang sangkatauhan.
Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos
ay ‘yong ginagawa ng isang ordinaryo
at normal na tao ang gawain ng Diyos,
na ginagawa ng Diyos ang Kanyang
maka-Diyos na gawain sa tao at ginagapi si Satanas.
Ⅲ
Mithi ni Satanas na pasamain ang tao,
mithi ng Diyos na iligtas ang tao.
Binibitag ni Satanas ang tao sa kailaliman,
sinasagip siya ng Diyos mula rito.
Nililinlang ni Satanas ang mga tao
na lumapit at sambahin ito,
ipinapailalim sila ng Diyos sa Kanyang dominyon.
Dahil Siya ang Panginoon ng buong paglikha.
Oo, Siya ang Panginoon ng buong paglikha.
Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos
ay ‘yong ginagawa ng isang ordinaryo
at normal na tao ang gawain ng Diyos,
na ginagawa ng Diyos ang Kanyang
maka-Diyos na gawain sa tao at ginagapi si Satanas.
Ⅳ
Ang buong gawaing ito’y isinagawa sa pamamagitan
ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.
Ang Kanyang katawang-tao’y talagang pagsasama
ng pagkatao at pagka-Diyos,
at nagtataglay ng normal na pagkatao.
Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos
ay ‘yong ginagawa ng isang ordinaryo
at normal na tao ang gawain ng Diyos,
na ginagawa ng Diyos ang Kanyang
maka-Diyos na gawain sa tao at ginagapi si Satanas.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos