148 Taglay ng Nagkatawang-taong Diyos ang Pagkatao at Pagka-Diyos
I
Ang pagkakatawang-tao’y
pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao.
Gumagawa Siya sa mga tao sa katawan ng isang tao.
Kaya katawang-taong Diyos ay dapat
may normal na pagkatao.
Pagkakatawang-tao’y nangangahulugang
Siya’y nabubuhay at gumagawa sa laman.
Sa pinakadiwa Niya Siya’y nagiging tao.
‘Di magkakaro’n ng katawang-tao
nang walang pagkatao.
At wala nito’y ‘di isang tao.
‘Pag kumuha ang Diyos ng katawan,
pagkatao Niya’y pag-aari Niya.
‘Wag sabihing ‘pag nagiging tao ang Diyos,
Siya’y may pagka-Diyos lang, walang pagkatao.
Ito’y kalapastanganan,
labag sa katotohanan ng pagkakatawang-tao.
Dahil nagiging tao ang Diyos,
diwa Niya’y kumbinasyon
ng pagkatao at pagka-Diyos.
Tawag sa kumbinasyong ito’y Diyos Mismo,
Diyos Mismo sa lupa.
II
Gawain Niya’y ginawa ng pagka-Diyos
na nakatago sa pagkatao Niya.
Katawang-tao Niya’ng gumagawa
ng gawain ng pagka-Diyos bilang tao’t Diyos.
Diyos ay nagiging tao,
sa loob ng katawang may diwa ng pareho,
kaya Siya’y higit sa lahat ng tao.
Sa yaong may katawan ng taong gaya ng sa Kanya,
sa lahat ng may pagkatao,
Siya at Siya lang ang katawang-taong Diyos Mismo.
Lahat ng iba ay tao lang.
Dahil nagiging tao ang Diyos,
diwa Niya’y kumbinasyon
ng pagkatao at pagka-Diyos.
Tawag sa kumbinasyong ito’y Diyos Mismo,
Diyos Mismo sa lupa.
Lahat ng nilikhang tao’y may pagkatao lang,
habang katawang-taong Diyos lang
ang may katawang pagkatao’t pati pagka-Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos