555 Dapat Mong Pagsikapang Magkaroon ng Positibong Pag-unlad
Umaasa ang Diyos na makakaya ng mga tao na maunawaan ang Kanyang kalooban, na maaari silang maging kaisa sa isipan sa pagbibigay-kasiyahan sa Kanya alang-alang sa iisang simulain, at sumulong nang sama-sama sa daan tungo sa kaharian. Anong pangangailangan ang mayroon upang makabuo ng di-kailangang mga kuru-kuro? Kaninong pag-iral magpahanggang sa ngayon ang hindi naging alang-alang sa Diyos? At yamang ito ay ganoon nga, anong pangangailangan ang mayroon para sa kalungkutan, dalamhati, at pagbuntung-hininga? Wala itong pakinabang sa sinuman. Ang buong buhay ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at kung hindi sa kanilang paninindigan sa harap ng Diyos, sino ang magiging handang mamuhay nang walang saysay sa hungkag na mundong ito ng tao? Bakit pa? Nagmamadali papasok at palabas sa mundo, kung hindi sila gagawa ng anuman para sa Diyos, masasayang ba ang kanilang buong buhay? Kahit na hindi itinuturing ng Diyos ang iyong mga kilos na karapat-dapat mabanggit, hindi ka ba ngingiti nang dahil sa kasiyahan sa sandali ng iyong kamatayan? Dapat mong hangarin ang positibong pag-unlad, hindi ang negatibong pag-urong—hindi ba ito mas mahusay na pagsasagawa?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 39