25 Lumalabas ang Pitong Kulog mula sa Luklukan

Pitong kulog ang nagmumula sa trono,

umaalingawngaw sa himpapawid.

Sansinukob ay niyayanig,

langit at lupa’y ibinabaligtad.


I

Tunog ay malakas, walang makatatakas,

at makapagtatago mula rito.

Sumasambulat ang kidlat at kulog,

langit at lupa’y nababago,

tao’y nasa bingit ng kamatayan,

ulang marahas ang humahagupit sa mundo.

Dagundong ng kulog, kislap ng kidlat,

tao’y nanginginig sa takot.


Matalas na dal’wang talim na tabak

ay pinababagsak

ang mga anak ng pagsuway.

Tapos, mga alon ng daing, ila’y nagigising

sa kanilang pagkakatulog.

Sila’y nagninilay, nagmamadali sa trono,

tinitigil ang panlilinlang at krimen.

‘Di pa ‘to huli sa kanila,

sa kanila na magising.


Pitong kulog ang nagmumula sa trono,

umaalingawngaw sa himpapawid.

Sansinukob ay niyayanig,

langit at lupa’y ibinabaligtad.

Pitong kulog ang nagmumula sa trono,

umaalingawngaw sa himpapawid.

Sansinukob ay niyayanig,

langit at lupa’y ibinabaligtad.


II

Diyos ay nagmamasid mula sa trono Niya,

tinitingnan nang malalim ang puso ng tao,

nililigtas yaong tunay na nagnanasa sa Kanya,

kinaaawaan sila.

Ililigtas Niya tungo sa kawalang-hanggan

yaong mahal Siya

nang higit sa lahat,

yaong nauunawaan ang kalooban Niya’t

sumusunod hanggang wakas.


Ang paghatol ng malaking puting trono’y

ibinubunyag sa masa,

‘pinamamalita sa mga taong

paghatol ay nagsimula na.


Pitong kulog ang nagmumula sa trono,

umaalingawngaw sa himpapawid.

Sansinukob ay niyayanig,

langit at lupa’y ibinabaligtad.

Pitong kulog ang nagmumula sa trono,

umaalingawngaw sa himpapawid.

Sansinukob ay niyayanig,

langit at lupa’y ibinabaligtad.


III

Tiyak na silang may mga salitang

‘di mula sa puso nila,

silang may pagdududa’t walang katiyakan,

nagsasayang ng panaho’t

inuunawa’ng nais ng Diyos

ngunit ‘di kayang isagawa’ng mga ‘to,

sila’y hahatulan.

Sa pag-alingawngaw ng pitong kulog,

na umuusbong sa trono

hanggang sa mga dulo ng sansinukob,

isang malaking pangkat ay maliligtas

at magpapasakop sa harap ng trono Niya.

Sumusunod sa liwanag ng buhay na ‘to,

hanap ng tao’y paraan upang mabuhay.

‘Di nila mapigilan ang sariling

sumamba’t lumapit sa Diyos.

Bibig nila’y tinatawag

ang ngalan ng makapangyarihang Diyos.

Hayaan yaong nasa mga dulo ng lupang,

makitang Siya’y matuwid, at Siya ay tapat,

Siya’y pag-ibig at kahabagan,

Siya’y kamahalan, nagngangalit na apoy,

walang-awa, walang-awang paghatol.


Pitong kulog ang nagmumula sa trono,

umaalingawngaw sa himpapawid.

Sansinukob ay niyayanig,

langit at lupa’y ibinabaligtad.

Pitong kulog ang nagmumula sa trono,

umaalingawngaw sa himpapawid.

Sansinukob ay niyayanig,

langit at lupa’y ibinabaligtad.


Mga tao’y napapaniwala,

walang huhusga o lalabang muli sa Diyos.

Ipaalam ‘to sa buong sansinukob,

upang bawat tao’y malamang

ang Makapangyarihang Diyos

ang siyang tunay na Diyos.

Lahat ng bansa’t bayan ay magpapasakop

sa harap ng Diyos magpakailanman,

sa harap ng Diyos magpakailanman.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 35

Sinundan: 24 Ang Siyang Nagpapakawala ng Pitong Kulog

Sumunod: 26 Muling Tumutunog ang Pitong Trumpeta ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito