24 Ang Siyang Nagpapakawala ng Pitong Kulog
I
Ang Makapangyarihang Diyos
ang Diyos ng pitong Espiritu,
ng pitong mata’t pitong bituin.
Binubuksan Niya’ng pitong selyo,
nilaladlad ang kasulatan,
at pinatutunog ang pitong trumpeta.
Pitong mangkok at salot
ay Kanyang pakakawalan,
at Kanyang bubuksan din
ang pitong selyadong kulog.
Nagpapakita na Siya sa harap natin.
Diyos, sa Iyo lahat ay malaya’t dumadaloy.
Walang nangangahas na hadlangan Ka,
lahat ay magpapasakop o mamamatay.
Diyos na may pitong mata,
na Siyang walang makakatago,
lahat ay malinaw sa Kanya’t sa mga anak Niya.
Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos,
Ika’y pinupuri nang walang katapusan.
Marapat Kang purihin magpakailanman,
kilalanin at dakilain nang walang hanggan.
II
Ang pitong bituin ng Diyos,
maliwanag na kumikinang.
Pinerpekto Niya’ng iglesia
sa Kanyang kapangyarihan,
itinatatag nito’ng mga sugo.
Iglesia’y tinatamasa ang mga panustos Niya.
Kinukumpleto Niya’ng plano ng pamamahala.
Binubuksan na Niya’ng pitong selyo.
Ang mahiwagang kasulatan ng plano Niya’y
ibinubunyag ngayon.
Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos,
Ika’y pinupuri nang walang katapusan.
Marapat Kang purihin magpakailanman,
kilalanin at dakilain nang walang hanggan.
III
Dapat marinig ng lahat
ang tunog ng Kanyang pitong trumpeta.
Lahat ay inilalantad na Niya.
Wala nang dalamhati; Diyos ay nagtatagumpay.
Mga trumpeta Niya’y maluwalhating tumutunog!
Pitong trumpeta’y humahatol
sa mga kaaway Niya.
Sa gitna ng kabuuang tagumpay,
tambuli Niya’y dinakila, Siya’y maluwalhati.
Pinaghaharian Niya’ng sansinukob!
Nakapuntirya sa mga kaaway Niya
ang pitong salot.
Nilamon ng nagngangalit Niyang apoy,
sila’y namamatay sa Kanyang awtoridad.
At pitong kulog ay ‘di na selyado.
Sa harap ng Makapangyarihang Diyos,
sila’y nalalantad.
Pinapatay ng kulog ang mga kaaway Niya;
pinapaglilingkod Niya’ng buong lupa sa Kanya,
‘di kailanman wawasakin, wawasakin, wawasakin.
Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos,
Ika’y pinupuri nang walang katapusan.
Marapat Kang purihin magpakailanman,
kilalanin at dakilain nang walang hanggan,
walang hanggan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 34