611 Upang Paglingkuran ang Diyos Dapat Mong Ibigay sa Kanya ang Iyong Puso
I
Dahil iningatan ni Jesus ang kalooban ng Diyos,
at walang pinlano sa sarili,
tinapos Niya’ng tagubilin ng Diyos,
pagtubos sa buong sangkatauhan.
Tatlumpu’t tatlong taon Siyang
naglingkod sa kalooban ng Diyos,
kaya’t inilagay sa Kanya
ang pasanin ng pagtubos.
Siya’y kwalipikadong gawin ito,
labis na nagdusa para sa Diyos,
tinukso ni Satanas nguni’t ‘di nasiraan ng loob.
Minahal Siya ng Diyos, pinagkatiwalaan,
kaya’t ‘binigay ng Diyos sa Kanya
ang gawaing ito.
Kapapasok n’yo lang sa tamang landas
ng paglilingkod sa Diyos,
kaya’t ibigay ang inyong puso
nang walang kahati.
Sa harap man ng Diyos o ng ibang tao,
puso mo’y dapat nakabaling sa Diyos,
mahalin Siya ng tulad ni Jesus.
Sa ganitong paraan,
gagawin kang sakdal ng Diyos,
nang maging lingkod
na ayon sa Kanyang puso.
II
Kung ‘di n’yo ibigay ang inyong puso
at kalooban Niya’y ingatan tulad ni Jesus,
‘di ka Niya mapagkakatiwalaan
at hahatulan ka Niya.
Ngayon, sa’yong paglilingkod,
Siya’y lagi mong sinusubukang linlangin,
at wala sa pusong nakikitungo sa Kanya.
At kahit ano pa man, kung lilinlangin mo Siya,
walang pusong paghatol ang darating sa iyo.
Kapapasok n’yo lang sa tamang landas
ng paglilingkod sa Diyos,
kaya’t ibigay ang inyong puso
nang walang kahati.
Sa harap man ng Diyos o ng ibang tao,
puso mo’y dapat nakabaling sa Diyos,
mahalin Siya ng tulad ni Jesus.
Sa ganitong paraan,
gagawin kang sakdal ng Diyos,
nang maging lingkod
na ayon sa Kanyang puso.
III
Kung nais mong gawing sakdal
at maglingkod ayon sa kalooban Niya,
dapat mong palitan ang iyong
lumang pananampalataya sa Diyos,
baguhin ang paraan mo
ng paglilingkod sa Kanya,
nang higit ka pang maging sakdal.
Nang ‘di ka iwan ng Diyos;
tulad ni Pedro, magiging tagapanguna ka
sa nagmamahal sa Diyos.
Kung ‘di magsisi, matutulad ka kay Hudas.
Dapat ‘tong malaman ng lahat ng nananalig.
Kapapasok n’yo lang sa tamang landas
ng paglilingkod sa Diyos,
kaya’t ibigay ang inyong puso
nang walang kahati.
Sa harap man ng Diyos o ng ibang tao,
puso mo’y dapat nakabaling sa Diyos,
mahalin Siya ng tulad ni Jesus.
Sa ganitong paraan,
gagawin kang sakdal ng Diyos,
nang maging lingkod
na ayon sa Kanyang puso.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos