612 Ang Kinakailangan Upang Maging Isang Naglilingkod sa Diyos
I
Kung nais mong maging mabisa
ang pagkain at pag-inom mo
ng mga salita ng Diyos,
dapat mong bitawan ang lahat
ng relihiyosong kuru-kuro.
Lalo na kung nais mong
paglingkuran ang Diyos,
at dapat mong sundin ang salita ng Diyos
sa lahat ng bagay.
Kung ‘di mo alam ito,
paglilingkod mo’y magdudulot ng paggambala.
Kung magpapatuloy ito, pababagsakin ka,
‘di na makababangon pa.
Gawain ng Diyos ngayo’y
iba sa dati at sa Biblia;
kung ‘di ka makasunod,
baka bumagsak ka anumang oras.
Ang kailangan upang maging
isang naglilingkod sa Diyos
ay ang makasunod sa puso ng Diyos,
maging angkop na gamitin ng Diyos,
kayang bitawan lahat ng relihiyosong kuru-kuro.
‘Yon ang kailangan sa paglilingkod sa Diyos.
II
Upang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos,
ituwid ang sariling pananaw.
Kung ano’ng sasabihi’y ‘di tutugma
sa kung ano’ng nasabi na.
Kung wala kang kaloobang sumunod,
‘di ka makalalakad sa landas na hinaharap.
Ang kailangan upang maging
isang naglilingkod sa Diyos
ay ang makasunod sa puso ng Diyos,
maging angkop na gamitin ng Diyos,
kayang bitawan lahat ng relihiyosong kuru-kuro.
‘Yon ang kailangan sa paglilingkod sa Diyos.
III
Kung isa sa mga paraan
ng paggawa ng Diyos ay nag-uugat sa loob mo,
at ‘di mo kailanman binibitawan ito,
ito’y magiging kuru-kuro mo.
Kung nag-ugat sa’yo kung ano ang Diyos,
nakamit mo na’ng katotohanan.
Kung mga salita ng Diyos at katotohana’y
magiging buhay mo,
wala ka nang mga kuru-kuro sa Diyos.
‘Pag may tunay kang pagkakilala sa Diyos,
‘di ka susunod sa doktrina.
Ang kailangan upang maging
isang naglilingkod sa Diyos
ay ang makasunod sa puso ng Diyos,
maging angkop na gamitin ng Diyos,
kayang bitawan lahat ng relihiyosong kuru-kuro.
‘Yon ang kailangan sa paglilingkod sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging Yaong mga Nakababatid Lamang ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Maaaring Paglingkuran ang Diyos