843 Ikaw Ba’y Isang Naghahangad na Magawang Perpekto ng Diyos?
Ⅰ
Kung isa ka sa mga taong
sinisikap magawang perpekto,
magpapatotoo ka, at sasabihin mo:
“Sa bawat isang hakbang ng ginagawa ng Diyos,
tinanggap ko ‘tong gawain ng pagkastigo’t paghatol.
Kahit lubha akong nahirapan, nakamit ko gawain ng Diyos,
nakilala ko katuwiran Niya at pa’no Niya pineperpekto ang tao.
Matuwid na disposisyon ng Diyos
dumating na sa ‘kin, dala’y pagpapala’t biyaya.
Paghatol Niya’y niligtas ako, dinalisay at iningatan ako.
Sa masakit na salita ng Diyos, pagkastigo at paghatol Niya,
ako’y ligtas at kilala ko Siya.”
‘Yan ang landas na nilalakad ng
mga pineperpekto, kaalamang sinasabi nila.
Sila’y nagkamit na ng buhay, mga taong tulad ni Pedro,
tangan katotohanan ng Diyos.
‘Pag nilakad nila ‘to hanggang dulo,
sa pagkastigo at paghatol, sila’y tiyak na malilinis,
lubos maiaalis impluwensiya ni Satanas,
at sila’y makakamit ng Diyos.
Ⅱ
Kung isa ka sa mga taong
sinisikap magawang perpekto,
magpapatotoo ka, at sasabihin mo:
“Ngayon nakita ko, bilang nilalang ng Diyos,
‘di lang natin tinatamasa lahat ng likha ng Lumikha.
Ngunit mas mahalaga, mga nilalang na likha Niya
dapat magtamasa ng Kanyang
matuwid na disposisyon at paghatol.
Dahil disposisyon ng Diyos nararapat namnamin ng tao,
at tiwaling nilalang dapat tikman Kanyang katuwiran.
May paghatol at pagkastigo, may dakilang pag-ibig din.
Kahit ‘di buong makakamit pag-ibig ng Diyos,
pinagpala akong makita ito.”
‘Yan ang landas na nilalakad ng
mga pineperpekto, kaalamang sinasabi nila.
Sila’y nagkamit na ng buhay, mga taong tulad ni Pedro,
tangan katotohanan ng Diyos.
‘Pag nilakad nila ‘to hanggang dulo,
sa pagkastigo at paghatol, sila’y tiyak na malilinis,
lubos maiaalis impluwensiya ni Satanas,
at sila’y makakamit ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol