844 Gagawin Kang Perpekto ng Diyos Kung Tatahak Ka Lang sa Landas ni Pedro
I
Ang sinabi ni Jesus noon kay Pedro
ay siyang sinasabi Niya sa mga tao ngayon.
Kaalaman ng mga tao’t pagpasok sa buhay
dapat na umabot sa antas ni Pedro.
Ang bawat isa’y gagawing perpekto ng Diyos
ayon sa pangangailanga’t landas na ito.
Kailangan din ninyong maranasan
ang naranasan ni Pedro.
Mga bungang natamo ni Pedro’y
dapat mahayag din sa inyo;
dapat danasin din ninyo
ang pagdurusa ni Pedro.
Ang landas ninyong tinatahak
ay tinahak din ni Pedro.
Ang sakit ninyong dinaranas
ay dinanas din niya.
Kapag kayo’y naluluwalhati’t
isinasabuhay ang tunay na buhay,
isinasabuhay ninyo ang imahe ni Pedro.
Ang landas ay pareho,
at nagiging perpekto
ang sinumang sumusunod dito.
II
Dapat malinaw sa inyo
ang tinatahak ninyong landas
at ang landas na tatahakin ninyo sa hinaharap,
kung ano ang gagawing perpekto ng Diyos,
at kung ano’ng naipagkatiwala sa inyo.
Ang landas ninyong tinatahak
ay tinahak din ni Pedro.
Ang sakit ninyong dinaranas
ay dinanas din niya.
Kapag kayo’y naluluwalhati’t
isinasabuhay ang tunay na buhay,
isinasabuhay ninyo ang imahe ni Pedro.
Ang landas ay pareho,
at nagiging perpekto
ang sinumang sumusunod dito.
Balang araw, baka kayo’y subukin,
at kung magkainspirasyon kayo kay Pedro,
ito ang magpapakita
na tumatahak kayo sa landas niya.
Pinuri ng Diyos si Pedro
sa tunay na pananampalataya niya
at sa pagmamahal at katapatan niya sa Diyos.
Siya’y tapat at taos-pusong nanabik sa Diyos,
kaya si Pedro’y ginawang perpekto.
Kung ika’y may ganoong
pananalig at pagmamahal,
siguradong gagawin ka ni Jesus na perpekto.
Ang landas ninyong tinatahak
ay tinahak din ni Pedro.
Ang sakit ninyong dinaranas
ay tinahak din ni Pedro.
Kapag kayo’y naluluwalhati’t
isinasabuhay ang tunay na buhay,
isinasabuhay ninyo ang imahe ni Pedro.
Ang landas ay pareho,
at nagiging perpekto
ang sinumang sumusunod dito.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus