842 Dapat Mong Hangaring Magawang Perpekto ng Diyos sa Lahat ng Bagay
Ngayon, ang pangunahing dapat hangarin ay
ang maperpekto kayo ng Diyos
sa lahat ng bagay, tao’t usaping hinaharap niyo.
Sa gayon higit pa sa kung ano’ng Diyos
ay masasainyo.
I
Tanggapin muna ang pamana ng Diyos sa lupa;
sa gayon makatatanggap ka
ng higit pang biyaya.
Hangarin muna’ng mga ito’t kung mas
hangad pa niyo’ng pagperpekto ng Diyos,
mas makikita mo ang kamay Niya
sa lahat ng bagay.
Mula sa iba’t ibang pananaw at usapin,
hahangarin mo’ng pumasok
sa realidad ng mga salita Niya.
‘Di ka makukuntento lang
sa pag-iwas sa kasalanan
o walang kuru-kuro,
pilosopiya o kalooban ng tao.
Tao’y pineperpekto ng Diyos
sa maraming paraan.
Sa lahat ng bagay,
may pagkakatao’ng maging perpekto.
Ito’y maaaring sa positibo o negatibo.
Parehong magagawang sagana
ang ‘yong nakakamit.
II
Bawat araw ay pagkakataong maperpekto.
Bawat araw hangaring makamit ng Diyos.
Matapos ang panahon labis kang mababago.
Malalaman mo ang mga bagay
na dati ay ‘di mo alam.
Diyos ay bibigyang liwanag ka,
at walang tulong sa iba,
ika’y papasok sa mga karanasan mo
nang detalyado.
Siya’y gagabay, ‘di ka gagawi sa kanan o kaliwa.
Tatapak ka sa landas ng pagiging perpekto.
Tao’y pineperpekto ng Diyos
sa maraming paraan.
Sa lahat ng bagay,
may pagkakatao’ng maging perpekto.
Ito’y maaaring sa positibo o negatibo.
Parehong magagawang sagana
ang ‘yong nakakamit.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pangako sa Yaong mga Nagawang Perpekto