775 Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa
Ⅰ
Dapat mong maunawaan kung gaano kahalaga
ang gawain ng Diyos ngayon.
Karamihan ng mga tao’y ‘di taglay ang kaalamang ‘yon.
iniisip na walang halaga ang pagdurusa:
Sila’y inaapi dahil sa kanilang pananalig,
tinatanggihan ng mundo, tahanan nila ay magulo,
ang kinabukasan nila’y nakapanlulumo.
Ang pagdurusa ng ilan ay sobra na,
sobra na gusto na nilang mamatay.
Paano nito ipinakikita ang
pusong nagmamahal sa Diyos?
Ang ganitong tao ay walang silbi!
‘Di sila makapagtiyaga, wala silang tibay.
Sila ay mahina rin, at wala silang kapangyarihan.
Dapat malinaw ninyong makita na
kayo’y nililinis ng Diyos sa pagdadalisay sa inyo.
Kaya dapat magpatotoo kayo palagi sa mga huling araw.
Gaano man ang inyong dusa, basta kayo’y may hininga pa,
manatiling totoo sa Diyos, yumukod sa Kanyang kamay.
Ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos,
isang malakas na patotoo.
Ⅱ
Sabik ang Diyos na mahalin Siya ng tao,
ngunit sa paggawa nito, dusa nila’y lumalago.
Mas lumalalim pag-ibig nila sa Diyos,
daraan sila sa mas malalaking pagsubok.
Kung talagang mahal mo Siya,
malalaking pagsubok ay darating.
Ngunit kung hindi, marahil lahat
sa buhay ay tila ayos lang.
Kapag puso mo’y nagsisimulang mahalin ang Diyos,
magiging mahirap ang maraming bagay.
Maliit ka sa tayog at kaya dinadalisay,
at ‘di mo mapalulugod ang Diyos.
Taglay ang ‘yong kahinaan,
kalooban ng Diyos ‘di mo maisasakatuparan.
Dama ninyong ito’y ‘di maabot,
kaya dadalisayin kayo, dadalisayin.
Dapat malinaw ninyong makita na
kayo’y nililinis ng Diyos sa pagdadalisay sa inyo.
Kaya dapat magpatotoo kayo palagi sa mga huling araw.
Gaano man ang inyong dusa, basta kayo’y may hininga pa,
manatiling totoo sa Diyos, yumukod sa Kanyang kamay.
Ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos,
isang malakas na patotoo, oh, malakas na patotoo.
O, manatiling tapat sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos